Sunday, August 21, 2016

p47


170. Sinabi ni Imam Malik bin Anas رحمه الله :

"Sinuman na kanyang pinanghawakan ang pamamaraan ng Ahlus Sunnah wal Jama'a at naging malinis sa kanyang pakikitungo sa mga Sahabah رضي الله عنهم at inabutan ng kamatayan sa naturang sitwasyon ay mapapabilang kasama ng mga propeta at sugo, mga matutuwid na mga naniwala nang buong katapatan, mga martyr (namatay sa pakikibaka sa landas ng Allah تعالى), at mga mabubuting mananampalataya — kahit pa na mayroon siyang pagkukulang —."
At sinabi ni Bishr bin Harith رحمه الله :

"Ang Islam ay siyang pananampalataya, at ang pananampalataya ay siyang Islam."
At sinabi ni Fudayl bin Iyadh رحمه الله :

"Kapag nakakakita ako ng isang nagtataglay ng Sunnah ay para na ring nakikita ko ang mga Sahabah رضي الله عنهم, at kapag naman nakakakita ako ng isang nagtataglay ng Bid'a ay para na ring nakikita ko ang mga Munafiq /huwad at mapagkunwaring muslim."
At sinabi ni Yunus bin 'Ubayd رحمه الله :

"Ang nakapagtataka sa kasalukuyan ay yaong nananawagan sa tamang pananampalataya, at ang labis na nakapagtataka ay yaong sumasagot at nagpapaunlak sa panawagang ito."
At ang huling payo ni Bin 'Awn رحمه الله bago siya pumanaw :

"Panghawakan ninyo ang Sunnah/pamamaraan ng Ahlus Sunnah wal Jama'a at pakaiwasan ang mga Bid'a."
At sinabi ni Imam Ahmad bin Hambal رحمه الله :

"Nung namatay ang isa sa aking mga kasamahan, siya ay nagpakita sa  aking panaginip at nagwika:" Sabihin ninyo kay Ahmad na pangalagaan ang Sunnah, sapagkat ito ang kauna-unahang itinanong sa akin ng Allah تعالى. "
At sinabi ni Abul-aliya رحمه الله :

"Sinuman ang bawian ng buhay sa kanyang pinanghahawakang Sunnah nang malinis at hindi man lamang nagtaglay ng Bid'a ay maituturing na isang Siddiq /matuwid na naniwala nang buong katapatan."
At sinasabi  niya rin:

"Ang pangangalaga at pananatili sa pamamaraan ng Ahlus Sunnah wal Jama'a ay siyang kaligtasan. "
At sinabi ni Sufyan Aththawry رحمه الله :

"Ang sinumang nakinig nang maigi gamit ang kanyang tainga sa isang ligaw na nagtataglay ng Bid'a ay tunay na lumabas sa pangangalaga ng Allah تعالى at ipinaubaya na nang lubos sa taong ligaw na yaon."
At sinabi ni Dawud bin Abi Hind رحمه الله :

"Ipinahayag ng Allah تعالى kay Propeta Musa bin Imran عليه السلام na huwag umupo kasamá ng mga nagtataglay ng Bid'a, at kung sakaling uupo ka sa kanila  at nang dahil dun ay maapektuhan ka at magsimulang mag-aalinlangan, Impyerno ang ipaparusa ko sa'yo."
At sinabi ni Fudayl bin Iyadh رحمه الله :

"Ang sinuman makiupo sa mga nagtataglay ng Bid'a ay hindi ma pagkakalooban ng tamang kaalaman."
At sinabi niya rin:

"Sinuman ang tumatangkilik sa isang taong nagtataglay ng Bid'a ay ipasasawalambahala ng Allah تعالى ang kanyang mga gawain at babawiin ang liwanag ng Islam mula sa kanyang puso. "
At sabi niya rin:

"Ang sinumang umuupo kasama ng mga nagtataglay ng Bid'a, iwasan siya kahit sa daan kung makasalubong man ay mangyaring tumahak ng ibang daan."
At sabi niya rin:

"Ang sinumang rumerespeto sa isang nagtataglay ng Bid'a ay parang tinulungan niya ang isang ligaw na sirain ang relihyong Islam. At sinumang ngumiti sa isang nagtataglay ng Bid'a ay para na ring minamaliit niya ang ibinaba ng Allah تعالى sa kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم. At sinumang ipinakasal ang kanyang anak sa isang nagtataglay ng Bid'a ay parang pinutol na niya ang relasyon sa pagitan niya at sa pagitan ng kanyang anak. At sinumang nag-asikaso sa labí ng isang nagtataglay ng Bid'a ay mananatili siya sa pagkagalit ng Allah تعالى hanggang sa kanyang pagbalik sa kanyang tirahan. "
At sabi niya rin:

"Magagawa kong kumain kasama ng isang Hudyo, magagawa kong kumain kasama ng isang Kristiyano, ngunit hindi ko magagawang kumain kasama ang isang nagtataglay ng Bid'a. At mas nanaisin kong magkaroon ng bakod na yari sa bakal sa pagitan naming dalawa."
At sinabi niya rin:

"Kapag nalaman ng Allah تعالى na ang isang muslim ay may pagkamuhi sa isang nagtataglay ng Bid'a ay patatawarin sa kanya ng Allah تعالى kahit na siya ay nagtataglay lamang ng kakaunting kaalaman. At ang pakikisama sa kanya ng isang Sunni ay isang uri ng pagkukunwari. At sinumang umiwas sa kanya at sa katulad niya ay matutumbasan ng liwanag ng pananampalataya, at sinumang nagtaboy sa kanya ay matutumbasan ng kaligtasan sa Araw ng paghuhukom. At sinumang magbababa sa kanila ay itataas siya ng Allah تعالى sa Paraiso ng sandaang pangkat. Kung kaya't huwag sanang matulad sa kanilang mga nagtataglay ng mga Bid'a magpahabang buhay."


---W—————A—————K—————A—————S---


‪#‎transbrbhry296‬


ترجمه أبو حيان

p46



162. Ang pananampalataya na ang sampó sa  mga Sahabah رضي الله عنهم , sa kanila naganap ang pagsaksi ng Propeta صلى الله عليه وسلم na sila ay makakapasok ng Paraiso at kabilang sa maninirahan dito — nang walang pag-aalinlangan —.
163. Ang Salawat* ay natatangi kay Propeta صلى الله عليه وسلم at sa kanyang mga pamilya at kasamahan.
164. At iyong pakaalamin na si Uthman رضي الله عنه ay pinatay nang hindi makatarungan, at ang mga pumatay sa kanya ay mapagmalabis at mandaraya (kriminal).
165. Sinuman ang sumasang-ayon sa anumang napapaloob sa aklat na ito at nananampalataya sa mga ito at ginawa niyang pamantayan nang walang pag-aalinlangan sa alinman sa mga ito, tunay na siya ay kasapi ng Ahlus Sunnah wal Jama'a, kahit siya ay nag-iisa lamang. At sinuman ang tumanggi sa mga bagay na napaloob sa aklat na ito ay maituturing na ligaw.
166. At sinuman na kanyang pasinungalingan kahit na isang salita mula sa Qur-an o sa bagay na ipinarating ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay kanyang makakamit anuman ang nababagay sa kanya. Kung kaya't katakutan mo ang Allah تعالى at maging maingat at mapanuri sa iyong pananampalataya.
167. At kabilang sa pananampalataya ng Ahlus Sunnah wal Jama'a, huwag mong tulungan ang sinuman sa kanyang pagkakasala at pagsuway sa Allah تعالى, huwag sumang-ayon at sumunod sa utos ninumang nakatataas na sumasalungat sa kautusan ng Islam, at nararapat itong kamuhian alang-alang sa Allah تعالى.
168. At ang paniniwala na ang Tawbah/pagbabalik-loob sa Allah تعالى ay obligado at nararapat sa lahat, ito man ay maging maliit na pagkakasala o malaki.
169. At sinuman ang hindi sumang-ayon sa pagsaksi ng Propeta صلى الله عليه وسلم na sila ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso ay siyang ligaw at may pag-aalinlangan kay Propeta صلى الله عليه وسلم sa kanyang ipinaabot.

==================
Talababaan:
* ang panalangin na ( اللهم صل على محمد وعلى آل محمد) o
(صلى الله عليه وسلم).

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

p45

158. At hindi maaari sa sinumang muslim na sabihin: “Si Pulano ay kasapi ng Ahlus Sunnah wal Jama’a.” hangga’t sa kanyang mapag-alaman nang lubusan na ang taong kanyang tinutukoy ay tunay ngang nagtataglay ng pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ng kanyang mga Sahabah رضي الله عنهم .
159. At sinabi ni Abdullah bin Mubarak رحمه الله :

“Ang pinagmulan at ugat ng pitumpo’t dalawang sekta ng Islam ay ang napso-hawa, at itong napso-hawa ay nahahati sa apat, at mula sa apat na bagay na ito umusbong ang pitumpo’t dalawang sekta ng Islam. Ito ay ang mga sumusunod:
l- Qadariyya
ll- Murji’ah
lll- Shi’a
lV- Kha-riji."
Ang sinuman na kanyang pinaniniwalaan na sina Abu Bakr, Umar, Uthman, at Ali — sa kanilang pagkakasunud-sunod — ay nangunguna sa lahat ng mga Sahabah رضي الله عنهم at wala man ding sinasabing hindi angkop sa mga natitirang Sahabah رضي الله عنهم at nananalangin para sa kanila ng kabutihan, ay hindi sinasaklaw ng sekta ng Shi’a.
Ang sinuman na naniniwala na ang pananampalataya ay isinasalita at isinasagawa, tumataas at bumababa, lumalakas at humihina, ay hindi na sinasaklaw ng sekta ng Murji’ah.
Ang sinuman na kanyang pinaniniwalaan na ang Salah ay nasa pangunguna ninuman — mapa-mabuti man siya o masama —, at ang Jihad ay nasa pangunguna ng pangkalahatang pinuno, at hindi maaaring lumabas sa pamumuno ng pangkalahatang pinuno sa pamamagitan ng pagpaslang sa kanya o pagsuway, at nananalangin para sa ikabubuti ng kanyang pinuno, ay hindi sinasaklaw ng sekta ng Kha-riji.
At sinuman na kanyang pinaniniwalaan na ang lahat ng mga pangyayari ay itinakda ng Allah تعالى, ito man ay mabuti o masama, inilíligaw Niya ang sinumang Kanyáng nanaisin at ginagabayan Niya ang sinumang Kanyáng naisin, ay hindi sinasaklaw ng sekta ng Qadariyya. Bagkus siya ay kabilang sa Ahlus Sunnah wal Jama'a.
160. Isang Bid'a ang lumitaw na siyang nagpapasinungaling sa Allah تعالى at kawalan ng pananampalatayang Islam, ang sinumang tumangkilik at paniwalaan ito ay tunay na nawalan ng pananampalataya, ito ay ang paniniwala sa muling pagbabalik ng isang nilikha sa mundo bago dumating ang Araw ng paghuhukom at sinasabi na si Ali bin Abi Talib ay buhay hanggang ngayon at muling magbabalik sa takdang oras bago ang paggunaw ng mundo, at gayundin sina Muhammad bin Ali, Ja'far bin Muhammad, at Musa bin Ja'far. Iyan ang kanilang pinaniniwalaan at sila ay may-natatanging kaalaman ukol sa mga lingid na bagay na tangi lamang ang Allah تعالى ang nakakaalam. Kaya't sila ay pakaiwasan dahil pinasinungalingan nila ang Allah تعالى at nawalan sila ng pananampalataya at gayundin ang mga tumatahak ng kanilang paniniwala.
161. Sinabi ni Ta'ma bin Amr at ni Sufyan bin Uyayna رحمهما الله :
"Sinuman ang may pag-aalinlangan sa kainaman nina Uthman at Ali sa pamumuno, — kung si Ali ba ang nararapat na umupo bilang pinuno kaysa kay Uthman — ay isang Shi'a at hindi papahintulutan sa kanya ang pagsaksi, hindi kakausapin at hindi sasamahan sa kanyang pag-upo. At sinuman na kanyang mas inuuna si Ali kay Uthman ay isang Ra-fida na kanyang tinanggihan ang katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم. At sinuman na kanyang inuuna ang apat sa lahat ng mga Sahabah رضي الله عنهم at nananalangin sa kanila ng "Kaawaan nawa sila ng Allah تعالى. ", nagpigil sa paninira sa kanila ay nasa tamang pamamaraan, gabay at katotohanan."


‪#‎transbrbhry296‬


ترجمه أبو حيان

p44



157. At kapag narinig mo ang isang lalaki na nagwika: “Tunay na dinadakila namin ang Allah تعالى.”  sa tuwing kanyang naririnig ang mga Hadith ng Propeta صلى الله عليه وسلم na nauukol sa Kanyang mga katangian, pakaalamin na ang lalaking yaon ay isang Jahmian. Sapagkat nais niyang pasinungalingan ang mga  Hadith ng Propeta صلى الله عليه وسلم at kaya niya lamang ito nasambit. At sa pag-aakalang dinadakila niya ang Allah تعالى sa pamamagitan ng mga katagang ito sa tuwing naririnig ang mga Hadith na patunay na makikita ng mga mananampalataya ang Allah تعالى sa Araw ng paghuhukom at patunay sa pagbaba ng Allah تعالى sa kalangitan sa tuwing pagsapit ng ikatlong bahagi ng gabi, at iba pang mga Hadith na may kauukulan sa mga katangian ng Allah تعالى. Hindi baga’t parang pinasinungalingan niya na rin ang Propeta صلى الله عليه وسلم nung kanyang sinabi: "Dinadakila namin ang Allah تعالى sapagkat hindi umaangkop na sabihin na ang Allah تعالى ay bumababa mula sa isang lugar tungo sa ibang lugar.” ? At para na ring kanyang sinabi na siya ay mas higit na maalam sa Allah تعالى kaysa Kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم. Pakaiwasan ang mga tulad nila dahil karamihan sa mga tao ay basta na lamang tumatanggap ng anumang maka-Islamikong ideya nang walang pagsusuri. Kaya’t bigyang babala ang mga tao tungkol sa kanila.
    At kapag may nagtanong sa’yo tungkol sa bagay na napapaloob sa aklat na ito bilang isang nangangailangan ng kaliwanagan at gabay ay nararapat mo siyang gabayan at turuan. Ngunit kapag naman siya ay nagtanong upang makipagtalo at makipagbangayan, marapat mo siyang iwasan at hayaan. Sapagkat ang mga bagay na tulad ng pakikipagbangayan at pakikipagtalo ay mahigpit kang pinagbabawalan sa mga ito dahil hindi ito ang tamang pamamaraan upang makamtan ang katotohanan.
    Sinabi ni Hasan Albasry رحمه الله :

“Ang isang matalino ay hindi nakikipagtalo  at nakikisama matanggap lamang ang kanyang kaalaman, bagama’t kung ito man ay tatanggapin ay pinapasalamatan at pinupuri niya ang Allah تعالى at kapag hindi man ito tinanggap ay pinapasalamatan at pinupuri niya ang Allah تعالى."
    Minsan ay may dumating kay Hasan at nagwika: “Halika’t paghambingin natin ang ating nalalaman sa pananampalataya.” Ang tanging sagot ni Hasan: 

“Tiyak kong nalalaman nang husto ang aking relihiyon at pananampalataya, kung hindi mo pa man din natagpuan ang iyong relihyon ay lubayan mo ako at hanapin mo ang katotohanan.”
    At minsan ay narinig ng Propeta صلى الله عليه وسلم ang isang lipon mula sa mga Sahabah sa tapat ng kanyang silid, wika ng isa sa kanila: “Hindi ba sinabi ng Allah تعالى ay ganito?”, ang sabi naman ng isa: “Hindi ba sinabi ng Allah تعالى ay ganito?”. Nang marinig ito ng Propeta  صلى الله عليه وسلم ay agad na tinungo sila na tila bahid sa kanyang pagmumukha ang matinding galit at nagwika:
 “Iyan ba ang ang inutos ko sa inyo?, Iyan ba ang dahilan kung bakit ako isinugo sa inyo?, Iyan ba, ang paghambingin at pagtalunan ninyo ang salita ng Allah تعالى !”
 Kaya’t sila ay pinagbawalang makipagtalo at makipagbangayan.
    At sina Abdullah bin Umar at Anas bin Malik رضي الله عنهم at ang mga iba pang pantas magpasakasalukuyan ay kanilang tinatanggihan ang paghahambing at pakikipagtalo.
    Bagkus ang salita ng Allah تعالى ang siyang nakahihigit sa lahat ng mga salita, Kanyang sinabi:


(مَا يُجَادِلُ فِي آيَاتِ اللَّهِ إِلَّا الَّذِينَ كَفَرُوا فَلَا يَغْرُرْكَ تَقَلُّبُهُمْ فِي الْبِلَادِ)
[سورة غافر 4]
Sa malapit nitong pakahulugan:
          Walang nakikipagtalo hinggil sa mga talata ng Qur-an at  mga katibayan nito na tinatapatan at hinahambing ito sa kamalian  maliban sa  mga di-mananampalataya at nawalan ng pananampalataya, kung kaya'y huwag kang magpapalinlang sa kanilang  kagalingan  sa  paglalakbay  na pagpaparoo’t paparito  dahil sa pangangalakal, at sa sarap at  kinang ng  makamundong buhay na taglay nila.
             At minsan ay tinanong si Umar bin Khattab رضي الله عنه ng isang lalaki: "Ano ang kahulugan ng ( والناشطات نشاطا) na nabanggit sa Surah Annazi-'at?” Ang sagot ni Umar: “Kung ikaw lamang ay kalbo* ay pinugutan na kita ng ulo.”
    Naiulat na sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم:

“Ang isang ganap mananampalataya ay hindi nakikipagtalo — at ako ay hindi mamimintakasi** sa sinumang nakikipagtalo sa Araw ng paghuhukom —  kaya’t iwan ang pakikipagtalo dahil walang itong maidudulot na mabuti.” ***

===============
Talababaan:
* ang pagiging kalbo ay isang palatandaan ng mga Kha-riji dahil ito ay itinuturing nilang pagsamba.
** mamamagitan para matulungan
*** ito ay naiulat bilang Hadith , ngunit pagkaraang masuri ng mga pantas sa larangan ng Hadith, ang nasabing Hadith ay napag-alaman na ito pala ay isang kathang Hadith lamang.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

p43



153. At kung nanaisin na maging matuwid at manatili sa katotohanan at sa pamamaraan ng   Ahlus Sunnah wal Jama'a, pakaiwasan ang kaalamang pilosopiya at mga pilosopo, pakikipagtalakayan at pakikipagtalo, paghahalintulad sa mga katangian ng Allah تعالى , at paghahambing sa pagitan ng mga sekta ng Islam. Sapagkat ang simpleng pakikinig lamang sa kanila — kahit na hindi mo ito nais na pakinabangan — ay maaaring maging sanhi ng pagdududa sa ibang aspekto ng pananampalataya at mapipilitan mong tanggapin ang bagay na nagmula sa kanila na siyang naging sanhi ng iyong pagdududa. At sa huli ay matutulad sa kanila  na pawang  ligaw sa katotohanan. At lahat ng kahuwaran at pagkukunwari, makabagong panrelihyon(Bid'a), napso-hawa at pagkaligaw ay sanhi ng pilosopiya, pakikipagtalakayan at pakikipagtalo, paghahalintulad sa mga katangian ng Allah تعالى. At ang mga ito ang pinagmumulan ng Bid’a , pagdududa at pagkukunwari’t kawalan ng pananampalataya.
154. Kung kaya’t katakutan ang Allah تعالى  sa kapakanan ng iyong sarili at panghawakan ang pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ng kanyang  mga Sahabah , at ang pagtahak sa kanilang pamamaraan dahil iyan ang tanging daan tungo sa tamang pananampalataya.  Sapagkat hindi nila tayo iniwan sa pagkaligaw o kalituhan, sapagkat nabigyang-linaw na ang lahat ng bagay at naiparating na ang lahat ng mga katibayan. Kung kaya ay wala nang puwang para sa pagdududa at pagkalito. Kaya’t sila’y sundin at tularan, at huwag nang maging abala sa paghahanap ng kaliwanagan dahil ito’y nabigyang-linaw na nila.
155. At sa mga Mushtibahat/kahina-hinalang bagay na maka-relihyon — ito man ay mapa-Qur-an o mapa-Sunnah — ay maghunos-dili kang marapat at huwag nang tangkaing magsunog pa ng kilay maabot lamang kung ano ang dapat.
156. At huwag mong tapatan at patulan ang mga taong ligaw na nagtataglay ng mga Bid’a , at sagutin ang kanilang mga katanungang mapanlilo nang wala kang sapat na kaalaman at kahandaan. Sapagkat marapat sa iyo ang tumahimik na lamang. At huwag mong hahayaan na ikaw ay pananaigan nila. Hindi mo ba napag-alaman na si Muhammad bin Sirin رحمه الله — sa kabila ng kanyang kalamangan sa  pananampalataya at kaalaman — hindi niya pinatulan ang isang ligaw na lalaki sa kanyang nag-iisang katanungan at ni hindi niya pinakinggan mula sa kanya ang kanyang binanggit na mula sa banal na Qur-an? At nung siya ay tinanong kung bakit ganun na lamang ang kanyang inasal, kanyang sinagot:

“Ako ay lubhang nangamba na kung sakaling mabigyan ng pagkakataon ang taong yaon ay kanyang mabibihag ang aking isipan.”

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

p42



150. Maging maingat nang husto lalo na sa kasalukuyang henerasyon. Suriing mabuti ang iyong kinakatabi, kasa-kasama at iyong pinakikinggan. Sapagkat halos lahat ng mga tao sa kasalukuyan ay napakalapit sa pagkaligáw maliban sa silang ginabayan ng Allah تعالى.
151. At pakasuriin, kung iyong maririnig ang isang muslim na kanyang parating bukambibig ang mga pangalan nina: Bin Abi Du-ad, Bishr Almirrisi, Thumamah, Abu Hudhayl, Hisham Alfu-ti, o alinman sa kanilang masugid na tagasunod, ay pakaiwasan siya dahil siya ay isang ligaw. Sapagkat ang mga pangalang nabanggit ay pawang hindi mga muslim at mga ligaw. At hayaan mo ang naturang lalaki  na pumupuri  sa kanila.
152. At ang pagsusuri at pagsubok sa isang muslim sa  kanyang  pananampalataya ay Bid'a at hindi ito nangyari sa mga naunang salihlahi. Ngunit sa kasalukuyang panahon, kinailangan nang suriin ang isang muslim sa pamamagitan ng Sunnah o pamamaraan ng Ahlus Sunnah wal Jama'a, sinabi ni Bin Sirin رحمه الله :
"Pakasuriin ninyo ang taong pinagkukunan ninyo ng kaalamang panrelihyon, at mangyaring huwag kumuha ng Hadith maliban sa kanilang  may kagandahang-ásal-Islamiko."
    Kaya't pakasuriin  muna nang mabuti, at kung mapag-alaman na siya ay kabilang sa Ahlus Sunnah wal Jama’a, may sapat na kaalaman at may kagandahang asal, nararapat na sa kanila ay magtanong, makiupo at makinabang sa kanilang kaalaman. Ngunit kapag mapag-alaman na siya ay hindi kasapi ng Ahlus Sunnah wal Jama'a, nararapat lamang na iwanan at iwasan siya.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

p41



147. At iyong pakaalamin na sinuman ang may masamang balakid — kahit isa man lang  — sa mga Sahabah ng Propeta صلى الله عليه وسلم, ang kanyang pangunahing pakay sa gawaing ito ay upang siraan ang Propeta صلى الله عليه وسلم at tunay na kanyang niyamót ang Propeta صلى الله عليه وسلم kahit na siya ay yumao’t bangkay na.
148. At kapag iyong natuklasan sa isang tao ang isang makabagong panrelihyon (Bid'a),marapat mo siyang iwasan, at dapat mong malaman na ang mga bagay na tulad ng napag-alaman mo na lingid sa iyong kaalaman ay mas marami kaysa sa  iyong napagmasdan.
149. At kapag nakita mo ang isang muslim mula sa Ahlus Sunnah wal Jama'a kahit pa nagtataglay ng kasalanan, kung siya naman ay nasa tamang pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم, ay iyo siyang samahan at umupo kasamá niya. Sapagkat hindi ka mapipinsala ng kanyang pagkakasala. Datapwa't kung makatagpo ka ng isang taong napakatiyaga sa pagsamba at halos iwan na ang mundo nang lubos, at halos walang pahinga ngunit siya naman ay nagtataglay ng napso-hawa at Bid'a, huwag pasisilaw sa kanyang mapanlinlang na gawain at ni makiupo sa kanya, ni kausapin siya at ni makisabay sa kanya sa paglalakad ay huwag nang pagtangkaan. Dahil hindi ko magagarantiya sa iyo na hindi ka madadala at matutulad sa kanya at ikaw ay maliligaw kasama niya.
        At minsan nakita ni Yunus bin Ubayd ang kanyang anak na lumabas mula sa bahay ng isang ligaw. Nung siya ay dumating, kanyang tinanong ang kanyang anak: "Saan ka galing, mahal kong anak?" Ang sagot ng anak: "Doon po kay Pulano*." At kanyang sinabi: "O aking anak, mas pipiliin kong makita kang lumabas sa bahay ng makasalanang muslim kaysa makita kang lalábas sa bahay ni Pulano na isang ligaw at huwad na muslim. At ang bawian ka ng buhay na ika'y makasalanan ay mas mainam kaysa abutan ka ng kamatayan na ika'y ligaw sa tamang pamamaraan.".
        Hindi mo ba naisip kung bakit mas pipiliin ni Yunus ang ganun sa kanyang mahal na anak? Ito ay dahil sa alam ni Yunus na ang isang makasalanan ay hindi niya ililigaw ang kanyang anak, di-hamak sa tulad ng isang mala-di-makabasag pinggan na ang kapahamakang taglay ay mas masaklap pa sa bubog ng isang pinggan. Sapagkat kanya siyang ililigaw hanggang tuluyan na niyang talikuran ang Islam na kinagisnan.

==============
Talababaan:
* ito ay tumutumbas sa wikang banyaga na JOHN DOE

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

Saturday, August 20, 2016

p40



142. Sinabi ni Abdullah bin Mubarak رحمه الله :

"Huwag ninyong kunin ang mga bagay na nauukol sa Ra-fida mula sa mga taga-Kufa, at huwag ninyong kunin ang paghihimagsik laban sa namumuno mula sa mga taga-Sham,at huwag ninyong kunin  ang anumang kaalaman ukol sa tadhana mula sa mga taga-Basra,at huwag kumuha ng kaalaman sa mga Murji'ah na taga-Khurasan, at huwag ninyong kunin ang pamamaraan na mga taga-Makkah sa kanilang pagpapalitan ng pera sa pera, at mga awit mula sa taga-Madinah."
143. At kapag nakita mo ang isang tao na minamahal sina Abu Hurayra, Anas bin Malik, at si Usayd bin Hudayr, pakaalamin na siya ay kasapi ng Ahlus Sunnah wal Jama'a. At gayundin ang sinumang nagmamahal kina Ayyub, bin 'Awn, Yunus bin 'Ubayd, Abdullah bin Idris Al-awdi, Sha'bi, Malik bin Migwal, Yazid bin Zuray', Muad bin Muad, Wahb bin Jarir, Hammad bin Salama, Hammad bin Zayd,Malik bin Anas, Al-awza'i, Za-idatu bin Qudama, at kina Ahmad bin Hambal, Hajjaj bin Minhal, at Ahmad bin Nasr.
144.At kapag nakita mo ang isang muslim na umuupo sa isang ligaw na guro, nararapat sa iyong payuhan ang iyong kapatid na muslim, ngunit kapag patuloy siyang umuupo sa taong yaon sa kabila ng mga payo sa kanya, marapat mo na siyang iwasan, marahil nalason na rin ang kanyang kaisipan.
145.At kapag narinig ang isang tao na pinapayuhan gamit ang mga Hadith at kanya itong tinatanggihan dahil ang gusto niya  ay payo na mula sa Qur-an, walang duda na siya ay nagtataglay ng huwad na pananampalataya kung kaya't lisanin siya ay huwag nang umupo sa kanya.
146. At iyong pakaalamin na ang lahat ng napso-hawa* ay masama ang dulot nito na magsasanhi sa paghihiwa-hiwalay, pagsuway sa pinuno/Imam at maaaring maging sanhi ng himagsikan at kaguluhan. At ang pinakamatindi at masamang pangkat at pinakamalayo sa katotohanan na dulot ng napso-hawa ay ang mga Ra-fida, Mu'tazila at Jahmian. Sapagkat sila ang naghuhumok sa mga tao na pabulaanan ang mga katangian ng Allah تعالى at upang maging huwad na mga mananampalataya at marupok sa kanilang kinatatayuan.

================
Talababaan:
* lahat ng bagay na salungat sa katuruan ng Qur-an at ng Sunnah, ito man ay símulain, pananaw, ideya, kagustuhan o gawa ay matatawag na napso-hawa.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

p39



141. At kapag narinig mo ang isang tao na nagsasabi ng: "Si Pulano ay isang Na-sibi*.", marapat mong malaman na ang taong iyan ay isang Ra-fida*. At kapag narinig naman ang isang taong nagsasabi ng: "Si Pulano ay kanyang ihinahalintulad ang Allah تعالى sa kanyang mga nilikha.", mararapat mong malaman na ang taong yaon ay isang Jahmian* o Mu'tazila* o Ash'ari* o Maturidi*. At kapag narinig naman ang isang taong nagsasabi: "Ituro mo sa akin ang Tawhid**. ",marapat mong malaman na siya ay isang Kha-riji at Mu'tazila. At kapag narinig naman ang isang tao na nagsasabi: "Si Pulano ay isang Jabriyya*." o nagsasabi na "Ang alipin ay walang kalayaan sa kagustuhan at pagdedesisyon.", ang taong iyan ay isang Qadari*. Sapagkat ang mga bagay na ito  ay inimbento  lamang ng mga ligaw na grupo.

==============
Talababaan:
* ang mga nabanggit ay purong ligaw na mga grupo, sila ay ang mga sumusunod:
1- Na-sibi: isa sa mga katawagan ng pangkat ng Kha-riji - sila yaong mga may galit sa kapamilya ng Propeta صلى الله عليه وسلم lalo na kay Ali bin Abi Talib رضي الله عنه.
2- Ra-fida: isa sa katawagan ng pangkat ng Shi'a - sila yaong naniniwala na si Ali ni Abi Talib ang higit na mainam at mas nakalalamang sa mga Sahabah at lalong higit sa mga natitirang kalipa رضي الله عنهم. At naniniwala na ang kapamilya ng Propeta صلى الله عليه وسلم ang higit na karapat-dapat na mamuno sa mga muslim at ang pamumuno ng iba maliban sa kanila ay hindi makatarungan.
3- Jahmian: sila yaong mga sumusunod sa yapak ni Jahm bin Safwan -siya ang kauna-unahang nagsabi na ang Qur-an ay isang nilikha at pinasinungalingan ang mga katangian ng Allah تعالى.
4- Mu'tazila: isa sa mga ligaw na pangkat na binubuo ng iba't ibang mga simulain at pananaw sa pananampalataya mula sa iba't ibang ligaw na pangkat. At sila ay kilala sa kanilang tinataglay na pangunahing limang mga haligi ng pananampalataya:
          l- ang Tawhid batay sa pananaw ng mga Jahmian
         ll- ang katarungan, batay sa pananaw ng mga Qadari
        lll- ang pangako ng
Allah تعالى at Kanyang panakot/babala
       lV- ang katayuan sa pagitan ng pananampalataya at di-pananampalataya
        V- ang pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan batay sa pananaw ng mga Kha-riji.

5- Ash'ari: isa sa mga ligaw na pangkat na siyang tumatalamak sa kapulaan ng Filipinas kasabay ng pangkat ng Shi'a. Sila yaong mga sumusunod sa yapak ni Abulhasan Al-ash'ari رحمه الله bago pa man siya magbalik-loob mula sa kanyang maling pananaw. Si Abulhasan رحمه الله ay unang naging Mu'tazila ngunit sa kahuli-hulihan ng yugto ng kanyang buhay, siya ay bumalik sa pamamaraan ng Ahlus Sunnah wal Jama'a.
6- Maturidi: sila yaong mga sumusunod sa yapak ni Abi Mansur Almaturidi. At ito ay kabilang din sa mga ligaw na pangkat dahil sa iilang mga pananaw nila sa mga katangian ng Allah تعالى ,ngunit ito ang mas malapit sa pananampalataya ng Ahlus Sunnah wal Jama'a.
7- Qadari: isa sa mga sangay ng pangkat ng Murji'ah — sila yaong mga kilala sa kanilang pananaw na : "Hindi mapipinsala at mababawasan ang pananampalataya kanyang anong laki ng kasalanan, at hindi mapapakinabangan ng isang di-mananampalataya anumang uri ng pagsamba."
8- Jabriyya: isa rin sa mga sangay ng pangkat ng Murji'ah na sumusunod sa yapak ni Jahm bin Safwan.
** ito ang Tawhid sa kanilang pananaw kung saan kanilang pinasisinungalingan ang mga katangian ng Allah تعالى.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

Sunday, July 24, 2016

p38



137. At huwag na huwag mong mabanggit alinman sa ating mga ina sa pananampalatayang Islam* maliban na lamang sa kabutihan.
138. At kapag nakita mo ang isang muslim na kanyang pinangangalagaan ang Salatul Jama-'a — maging ito man ay sa pangunguna ng Imam/pinuno o hindi— , iyong pakaalamin na taglay niya ang pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم. At kung ikaw ay nakakita ng isang tao na nag-aangking siya ay muslim ngunit pabaya sa kanyang pagsamba kahit pa sa pangunguna ng pinuno, iyong pakaalamin na taglay niya ang pamamaraan ng isang mapagkunwari at huwad na muslim.
139. At ang mga Halal/pinahuntulutan sa relihyon ay siyang napag-alaman mong Halal at  pinahintulutan  ng Islam. At gayundin ang mga Haram/pinagbawal. At anumang bagay na mayroon kang pag-aalinlangan kung ito ba ay Halal o Haram, ito ay napapabilang sa mga Mushtibahat/kahina-hinalang bagay na maka-relihyon.
140. At ang isang muslim na hindi nakitaan ng bagay na sumasalungat sa pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay nararapat na pakaingatan sa kanyang pagkakamaling di-sadya. At ang taong walang  reputasyon sa kanyang sarili at sumusuway sa kautusan ng Islam nang hayag at sadya ay hindi na marapat pakaingatan at bigyang-halaga dahil mismo siya ay hindi pinapahalagahan ang kanyang sariling dangal.

==============
Talababaan:
* sila ang mga maybahay ng Propeta صلى الله عليه وسلم

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

p37



135. At iyong pakaalamin na ang pandaraya ng isang Imam/pinuno at kanyang pangungurakot ay hindi makakaapekto at hindi magbabago ng anuman sa mga obligasyon na itinalaga ng Islam sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Propeta صلى الله عليه وسلم. Ang kanyang pandaraya ay makakapinsala lamang sa kanyang sarili. At ang iyong pagsunod sa kanya o pagpapailalim sa kanya at ang mabuting pakitungo sa kanya ay hindi mapipinsala bagkus ang gantimpala nito ay kumpletong-kumpleto إن شاء الله ( kung Kanyang nanaisin ). Ang ibig sabihin: mananatili ang batas ng Salatul Jama-'a, ng Salatul Jumu'ah at ng Jihad sa kanyang pamumuno. At lahat ng kanyang kautusan na hindi labag sa kautusan ng Islam ay nararapat sundin anuman ang mangyari at ikaw ay magagantimpalaan sa mga bagay na ito nang ganap.
136. At kung iyong makitaan man din ang isang muslim na nananalangin laban sa kanyang Imam/pinuno ay iyong pakaalamin na ang tulad ng tao na yaon ay nagtataglay ng Bid'a at ligaw, na sinasamba ang kanyang sarili lamang. At kung iyong makitaan man din ang isang butihing muslim na nananalangin para sa ikabubuti ng kanyang Imam, ito ay nagpapatunay na siya ay kasapi ng Ahlus Sunnah wal Jama-'a إن شاء الله.
        Ika nga ni Fudail bin Iyadh رحمه الله : "Kung lamang batid ko ang katanggap-tanggap na panalangin ay dinalangin ko na lang sana para sa Imam."
        At nung siya ay tinanong kung ano ang pakahulugan ng kanyang sinabi, sinagot niya na: "Kung idadalangin ko man sa aking sarili ay mapapasaakin lamang, samantala kung idinalangin ko para sa Imam/ pinuno ay mapapasakanya ang panalangin at siya ay bubuti. At sa kanyang kabutihan bubuti rin ang mga nasasakupan at buong kalupaan."
         Kung kaya naman tayo ay inutusan na manalangin sa ikabubuti ng ating Imam at hindi tayo inutusang maghimagsik kahit sa simpleng pamamaraan at manalangin laban sa kanya. Kahit pa gaano kalaki ang kanilang panlilinlang sa sambayanang muslim, dahil ang kanilang pandaraya ay babalik din sa kanilang mga sarili. Ngunit ang pagkabuti ng Imam ay babalik sa kanyang sariling kapakanan at pangkalahatang kapakanan ng mga mamamayan.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

p36



132. At sinumang babae na kanyang iaalay ang kanyang sarili sa isang lalaki bilang maging kanyang kabiyak nang walang dote at ni saksi at ni Waliy  ay wala, ang ganitong paraan ay hindi balido at hindi wasto. At kung sakali mang naganap na, nararapat lang sa kanila na parusahan batay sa nakikita ng hukom sa kanilang sitwasyon.
133. At kung mayroon ka mang mapansin o makita na bumabatikos kahit sa isa man lang sa mga Sahabah رضي الله عنهم at abala sa paninirang-puri sa kanila, pakaalamin mo na siya ay masama sa kanyang pananalita at sinusundan lamang ang kanyang sariling kapakana't kagustuhan. Sapagkat sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم :" Kapag pinag-uusapan ang aking mga kasamahan/Sahabah ay marapating tumahimik na lamang kung wala man ding kagandahang masabi sa kanila." At hindi lingid sa kaalaman* ng Propeta صلى الله عليه وسلم ang pagkakamali ng mga Sahabah رضي الله عنهم na magaganap pagkatapos niyang manaw, ngunit wala siyang sinabi patungkol sa kanila na masama. At huwag mo nang buklatin pa ang pagkakamaling natiklop na at gayundin ang alitang naganap sa pagitan nila at ang mga bagay na wala kang sapat na kaalaman patungkol sa kanila. At huwag makinig sa silang panay batikos sa kanila at abala sa paninirang puri sa kanila dahil hindi magtatagal ika'y matutulad na rin sa kanila.
134. At kung makarinig ng taong bumabatikos sa mga Islamikong katuruan, ito man ay maging katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم o kataruan ng mga Sahabah رضي الله عنهم ay walang kaduda-dudang siya ay nagtataglay ng Bid'a at alipin ng kanyang maka-diyos na sarili.

============
Talababaan:
* ito ay kabilang sa mga ipinaalam sa kanya ng Allah تعالى na mangyayari sa hinaharap.

##transbrbhry296



ترجمه أبو حيان

Monday, July 11, 2016

p35



123. At ang limang Salah / sambahayang ay mananatiling wasto sa likod ng imam maliban na lamang kung ang Imam ay isang Jahmian, sapagkat siya ay Ka-fir/ di-mananampalataya dahil kanyang pinasinungalingan ang Allah تعالى at ang kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم. At kung sakaling ikáw ay pinangunahan ng Jahmian sa pagtayo ng Salah, nararapat na ito ay ulitin mo upang maging wasto. At kung ang iyong Imam sa Jumuah/ Biyernes ay isang Jahmian at siya ang pinuno, nararapat na sumabay sa kanya at itayo ang Salah sa kanyang pangunguna, bagama't kailangan mo itong ulitin upang maiwasto. At kung ang Imam ay nagtataglay ng Sunnah, — siya man ay mapa-pinuno o hindi — marapat na sumabay sa kanyang pangunguna at hindi na kailangan pang ulitin.
124. At ang pananampalataya na sina Abu Bakr at Umar bin Khattab رضي الله عنهما ay inilibing kasama ng Propeta صلى الله عليه وسلم sa kwarto ni 'Aisha رضي الله عنها. Kung kaya'y Wajib/nararapat kung ikaw ay dadalaw sa libingan ng Propeta na magbigay-bati rin sa kanilang dalawa ng Assalamu alaykum.
125. At pagpapayuhan sa pagitan ng bawat isa ay Wajib/nararapat —maging ito man ay pag-uutos sa kabutihan o pagbabawal sa kasamaan. Maliban na lamang kung ito ay magsasanhi ng kapahamakan o kamatayan.
126. At nararapat din na ikalat at ipamahagi ang pagbati ng Assalamu alaykum sa bawat mamamayang muslim.
127. At sinuman na kanyang iwan ang pagsasagawa ng  Salatul Jumuah ( Friday Mass ) at Salatul Jama-'a ( Congregational Prayer ) sa Masjid nang walang sapat na dahilan ay tunay na nagtaglay ng Bid'a. Ang sapat at balidong dahilan ay tulad ng malubhang sakit at walang kakayanang tumungo sa Masjid, o pangamba mula sa kapahamakan ng masamang pinuno, atbp.
128. At sinuman ang nagsagawa ng Salah sa pangunguna ng Imam at hindi siya sumunod sa kanyang pangunguna ay hindi magiging wasto at tama ang kanyang Salah.
129. Ang pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal sa kasamaan ay sa pamamagitan ng lakas (kamay) , pananalita (dila) at damdamin (puso).
130. At ang isang muslim na hindi naman nakitaan ng anumang bagay na sumasalungat sa pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay mananatili bilang kasapi ng Ahlus Sunnah wal Jama-'a.
131. At lahat ng kaalaman na pinaniniwalaan na ito ay lingid sa kaalaman ng mga nilalang na hindi napapaloob sa Qur-an at katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay kaligawan at Bid'a. At ito ay hindi nararapat na isagawa at ipahayag.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

p34



120. Obligado at nararapat na itikom ang bibig sa alitan na nangyari sa pagitan ng mga Sahabah رضي الله عنهم, sa pagitan nina Ali, Mu-'awiya, 'Aisha, Talha, Zubayr at iba pa. At huwag makipagtalakayan sa mga bagay nila, ngunit ang nararapat ay ipasa-Allah تعالى na lamang ang mga ito. Sapagkat sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم :"Huwag pagbuhatan ng masasamang salita at paratang ang aking mga Sahabah at aking mga manugang." At kanya ring sinabi: "Katunayan, tumingin ang Allah تعالى sa mga mandirigma ng Badr at nagwika: "Gawin na ninyo anumang naisin ninyo, dahil pinatawad ko na kayo.""
121. At iyong pakaalamin na anuman na pagmamay-ari ng isang muslim ay Haram/hindi maaaring kunin o angkinin hangga't walang pahintulot ng nagmamay-ari. At kung sakali mang kukunin ito nang walang pahintuntulot ng may-ari, mananatili itong pananagutan sa kanya anuman ang mangyari hanggang sa ito ay maibalik sa nagmamay-ari. At hindi mo ito maaaring pakinabangan maliban na lamang kung kanyang pahihintulutan. Sapagkat siya marahil ay magbalik-loob at nanaisin na ibalik ang kanyang kinuha. Sa pagkakataong ito, pinakinabangan mo ang bagay na alam mong Haram.
122. At lahat ng uri ng hanap-buhay ó anumang pinagkakakitaan ay pinahihintulutan ng Islam maliban sa mga bagay na taliwas sa hangarin at katuruang-Islamiko. At kung sakaling ito man ay taliwas sa maka-Islamikong katuruan at siya ay nasa bingit ng kamatayan, pinahihintulutan ng Islam na kumuha lamang ng sapat na ikasasagip ng kanyang buhay.* At huwag mong sásabihin na uupo ka na lang at magsamba't magsaliksik ng kaalaman at aasa ka na lang sa ibibigay ng mga tao sa'yo bilang kawang-gawa. At ang pamamaraang ito ay hindi ginawa ng mga Sahabah at ng mga pantas magpasakasalukuyan. Sinabi ni Umar bin Khattab: "Ang simpleng hanap-buhay ay mas mainam kaysa panlilimos ng ikabubuhay."

===============
Talababaan:
* kabilang sa maka-Islamikong pamantayan, ang pahintulot o permiso ng Islam sa mga bawal na bagay sa oras ng bingit ng kamatayan, sa kondisyon na kukuha lamang ng sapat na ikasasagip ng buhay nang walang labis at walang kulang.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

p33



117. At pakaalamin na wala nang hihigit sa pagsamba sa Allah تعالى kapag ito ay may kalakip na takot sa Allah تعالى at pangamba na marahil ay hindi matatanggap ang kanyang pagsamba dahil sa kanyang pagkukulang at kakulangan, at may pag-asa sa lawak ng awa ng Allah تعالى na marahil ay tatanggapín Niya sa kabila ng kanyang pagkukulang. At dahil dito ay mas lalo pa siyang mahihiya sa Allah تعالى dahil sa kabila ng mga pagkakasala at pagkukulang ay hindi kailanman nagkulang ang Allah تعالى sa kanyang kabaitan at pagkakaloob ng biyaya sa kanya.
118. Kung kaya nama'y mag-ingat at huwag magpapadala sa sinumang nananawagan tungo sa pagmamahal at labis na pananabik sa Allah تعالى ,  at sa mga taong itinuturing nila ang kanilang mga sarili na hindi saklaw ng mga bawal sa relihiyon, kung kaya'y nagágawa nilang gumamit ng mga babae na hindi nila asawa, at nananawagan sa kanilang pamamaraan. - sila yaong mga Sufi *. Sapagkat sila ay purong ligaw sa tuwid na landas.
119. At iyong pakaalamin na ang Allah تعالى ay lumikha ng mga nilalang upang Siya ay sambahin at nag-utos sa kanilang lahat na "sambahin lamang Siya nang nag-iisa at walang katambal". Kung kaya naman, sinuman ang kanyang ginabayan sa Islam pagkatapos niring pag-uutos,ito ay dahil sa Kanyang kaalamang tigib at kabaitang lubos.

===============
Talababaan:
* ang kasalukuyang Sufismo ay kabilang sa mga ligaw na grupo dahil sa taglay nilang pamamaraan na taliwas sa pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ng kanyang mga Sahabah. Gayundin ang mga grupong ligaw bilang kabuuan.

#transbrbhry296



ترجمه أبو حيان

p32



113. At sa panahon ng Fitna o gulo sa pagitan ng mamamayang muslim, nararapat at mas mainam na manatali na lamang sa bahay at huwag nang makisalo pa sa gulo liban na lamang kung mayroon siyang magagawa upang matuldukan ang kaguluhan. At huwag kang pumanig sa iyong tribo o lahi kahit pa nasa kamalian, bagamat ang katotohanan ang marapat mong panigan. At lahat ng kaguluhan at patayan na nagaganap sa pagitan ng mamamayang muslim ay maituturing na Fitna /kaligawan. Matakot ka sa Allah تعالى kaya't huwag na huwag kang lumabas at sumanib sa gulo. Wala kang papanigan sa kanila, ni pagtulong o pagdepensa sa kanila o anumang bagay na magsisilbing suporta sa kanila. Sapagkat sinuman ang sumusuporta sa isang gawain mabuti man o masama ay para man ding siya ay nakiisa sa paggawa sa naturang gawain.
       Gabayan nawa tayo ng Allah تعالى sa ikalulugod Niya. At ilayo nawa tayo sa kasalanan at pagkasala sa Kanya.
114. At huwag iasa ang kaalaman* sa kalawakan maliban na lamang sa pangangailangan na malaman ang oras ng Salah sapagkat ito ay ipinagbabawal na magdudulot ng palanang pagkaligaw.
115. At huwag mong pag-aralan ang pilosopiya** at iwasan ang mga pilosopo*** kahit sa pakikisama o pakikiupo lamang sa kanila.
116. Sa halip, iyong pakisamahan ang mga taong nagtataglay ng pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم — silang mga paham na iskolar at pantás ng Islam—. Sa kanila ay magtanong, makiupo at makinabang sa kanilang kaalaman.

============
Talababaan:
* batayan sa mga mangyayari sa hinaharap tulad ng horoscope.
** ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang iba't ibang anyo ng pakikipagtalastasan. Natatangi ang pilosopiya sa pagtalakay ng mga tanong na ito dahil sa mahigpit at binalangkas nitong pamamaraan na gamit ang rasyunal na pangangatwiran. (wikipedia)
*** mga tao na mahilig makipagtalo

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

p31



110. At iyong pakaalamin na kung lamang ang mga muslim ay tumigil sa mga makabagong bagay na nauukol sa Islam at hindi na ito panghimasukan at lumayo na lamang dahil wala itong pinanghahawakang katibayan mula sa katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at wala rin sa pinagkásunduán ng mga Sahabah, wala na sanang Bid-'a o makabagong panrelihyon.
111. At iyong pakaalamin na ang iilan sa mahahalagang bagay at mortal na kasalanan na nakapagpapalabas ng isang muslim mula sa pagka-muslim ay ang pasinungalingan ang anumang inihayag ng Allah تعالى sa kanyang mga propeta o anumang Kanyang sinabi, at pagdagdag ng mga bagay na hindi naman sinabi ng Allah تعالى o pagbawas nito. At gayundin ang pasinungalingan ang kasabihan ng Propeta صلى الله عليه وسلم.
        Pakatakutan mo ang Allah تعالى - kaawaan ka nawa Niya - at pakasuriin ang iyong  sarili sa mga bagay na iyong ginawa para sa ikaliligtas ng iyong sarili. Kung kaya'y pakaiwasan mo ang pagmamalabis sa iyong relihyon. Sapagkat hindi ito ang tamang pamamaraan.
112. At lahat ng aking sinabi at inilarawan sa aklat na ito ay nakabatay sa sinabi ng Allah تعالى at ng kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم at ng mga Sahabah رضي الله عنهم at ng mga sumunod sa kanilang pamamaraan mula sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.
        O alipin ng Allah, iyong pakatakutan ang Allah تعالى, nararapat sa'yo na paniwalaan ang nilalaman ng aklat na ito nang may tunay na pagsuko sa Allah تعالى at lugód sa mga ito. At huwag itong ilihim sa mamamayang muslim. Marahil na magsisilbi ito upang gabayan ng Allah تعالى ang isang ligaw na lito sa kanyang pananampalataya o may taglay ng Bid-'a at maliligtas dahil sa iyong pagpapahayag ng aklat na ito.
        Pakatakutan mo ang Allah تعالى at panghawakan mo ang pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ng kanyang kasamahan tulad ng aking inilarawan sa aklat na ito. Kalugdan at kaawaan nawa ng Allah تعالى ang sinumang babasa ng aklat na ito at gayundin ang kanyang mga magulang at ang sinumang nagpahayag níto at isinabuhay ang nilalaman nito at nanawagan tungo sa aklat na ito at ginawang batayan ang nilalaman nito. Sapagkat ang nilalaman nito ay ang relihyon ng Allah تعالى at pananampalataya ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم.
        At sinuman ang nagtataglay ng pananampalataya na wala sa nilalaman ng aklat na ito ay tunay na lumabas sa pamamaraan at pananampalataya ng Ahlus Sunnah wal Jama'a. At parang tinalikdan ang lahat ng nilalaman nito tulad ng isang taong nanámpalataya sa lahat ng ipinahayag ng Allah تعالى maliban na lamang sa isang salita ng Allah na kanyang pinag-aalinlangan. Tunay na siya ay kanyang pinag-aalinlangan ang lahat ng sinabi ng Allah تعالى.
         At tulad din ng pananampalataya na walang ibang diyos maliban sa Allah تعالى, hindi magiging tama hangga't kanyang paniwalaan ito nang tapat at totoo na walang halong duda. At gayundin ang pananampalataya sa kasabihan ng Propeta صلى الله عليه وسلم  ay hindi wasto kung may pagtanggi sa ibang katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم. At para na rin niyang tinalikdan ang lahat ng katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم. Kaya nararapat sa'yo ang ganap na pagtalima nito at iwan mo ang pakikipagtalakayan ukol dito dahil hindi ito ang tamang pamamaraan lalong-lalo na sa kapanahunan mo ngayon kung saan dumarami ang kasamaan. Kung kaya ay pakatakutan mo ang Allah تعالى.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

p30



107. At iyong pakaalamin na ang orihinal at matibay na relihyong Islam ay  ang kapanahunan  na mula sa pagpanaw ng Propeta صلى الله عليه وسلم hanggang sa pagpaslang kay Kalipa Uthman رضي الله عنه. Sapagkat ang pagpaslang ito ang simula at ugat ng pagkahiwa-hiwalay ng  Ummah/kamusliman at nagdulot ng malaking gulo at di-pagkakasundo sa pagitan ng mamamayang muslim, sila'y nagkawatak-watak at ang mga nangaligaw ay tuluyan nang naligaw sa pagsunod nila sa kanilang pansariling kagustuhan at sa pamuti ng mapanlinlang  na mundo.
       Kung kaya, walang sinuman ang may pahintulot na gumawa ng makabagong gawa na hindi isinagawa ng mga Sahabah رضي الله عنهم. At sinumang naghihikayat sa bagay na pinasimunuan ng mga naunang mga ligaw ay maituturing na kabilang sa kanila. At sinuman nagsasagawa nito at pinanghahawakan ito ay tunay na kanyang tinalikdan ang Sunnah ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ang katotohanan, at tumiwalag sa tunay na grupo  — Ahlus  Sunnah Wal Jama-'a—. At kanyang tinugunan ang mga Bid-'a  at tinangkilik ito sa ayaw man niya o sa gusto. Ang Bid-'a na siyang mas matindi pa kay Satanas  ang dulot na kapahamakan sa mamamayang muslim.
108. Ang sinuman ang nakakaalam ng mga Sunnah na nilisan at tinalikdan ng mga nagtataglay ng Bid-'a  at ito ay kanyang isinagawa at pinanghawakan ay siyang nabibilang sa Ahlus Sunnah wal Jama-'a, nararapat na tularan, tulungan, at pangalagaan, sapagkat kabilang siya sa mga tao na itinagubilin ng Propeta صلى الله عليه وسلم na samahan at pakitunguhan.
109. At iyong pakaalamin na ang mga pangunahing Bid-'a /makabagong panrelihyon ay apat na klase. At sa apat na mga ito nagmula ang pitumpu't dalawang grupo, ang bawat grupo ay magkakaroon ng kani-kanilang mga simulain at propaganda hanggang sa aabot sa bilang na isang libo't walóng dáan. At lahat ng mga grupong ito ay ligaw at makakapasok ng Impiyerno maliban sa iisang grupo.
         Sila ang grupo ng katotohanan at sila ang nananampalataya sa nilalaman ng librong ito nang walang pag-aalinlangan  sa kanilang puso at walang pagdududa. Sila ang Ahlus Sunnah wal Jama-'a, ang tanging grupo na makakaligtas sa lahat ng mga pagsubok  -sa kapahintulutan at kagustuhan ng Allah تعالى. 

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

P29



103. At iyong pakaalamin na ang tunay na kaalaman ay hindi nasusukat sa dami ng naisasaulo at dami ng aklat, ngunit ang tunay na maalam ay nasusukat sa kanyang pagsasabuhay sa kaalaman kahit pa kakaunti ang taglay mula sa kaalamang naisaulo at pagmamay-aring aklat, at sa kanyang pagsunod sa katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم. At sinumang sumalungat at sumuway sa katuruan ng Qur'ân at Sunnah ay walang pag-aalinlangan na magtátaglay ng Bid'a/ makabagong panrelihiyon kahit pa nagtataglay ng gabundok na kaalaman at aklat na sangkatutak.
104. At iyong pakaalamin na sinuman ang nais magsalita at magpahayag patungkol sa Islam gamit lamang ang kanyang isipan at  paghahalintulad sa mga bagay na kanyang nalalaman nang walang batayan mula sa katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at sa napagkasunduan ng mga Sahabah — ay tunay na kanyang inako ang bagay na wala siyang kinalaman at pawang kasinungalingan hinggil sa Allah تعالى ang kanyang pinagsasasabi. At tunay na siya ay gumagawa lámang ng kasabihan mula sa kanyang sariling kaisipan.
105. At ang katotohanan ay anumang bagay na naipahayag mula sa Allah تعالى. At ang Sunnah ay ang pamamaraan at katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم. At ang Jama'ah / tunay na grupo ay ang pinagkasunduan ng mga Sahabah رضي الله عنهم sa panahon ng mga kalipa, sina Abu Bakr, Umar at Uthman رضي الله عنهم.
106. At sinuman na kanyang panghahawakan ang Sunnah ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ang pamamaraan ng mga Sahabah at sa kanilang napagkasunduan nang may pagkakontento sa mga bagay na ito ay tiyak na magwawagi laban sa lahat ng mga nangaligaw ng landas at nagtataglay ng mga Bid'a at mapapanatag ang kanyang kalooban, at ang kanyang relihiyon ay mapapangalagaan sa kagustuhan ng Allah تعالى. Iyan ang pahayag ng Propeta صلى الله عليه وسلم : "Magkakawatak-watak ang aking Ummah" at kanyang inilantad ang makakaligtas sa pagkakawatak na ito: " Sila ang tumatahak ng aking gabay at pamamaraan at pamamaraan ng aking mga kasamahan/ Sahabah رضي الله عنهم."  Iyan ang tamang lunas at malinaw na sagot sa kaligtasan mula sa pagkaligaw. Dahil iyan ang tanging liwánag sa tamang landas.
        At sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم : "Iwasan ninyo ang pagmamalabis sa pagdakila ng mga nilalang at ang paghihigpit nang lubusan sa mga kautusan, ngunit panghawakan ninyo ang Islam nang walang labis at walang kulang - ito ang puro at orihinal na relihyon."

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

P28


101. At iyong pakaalamin na ang mga Bid'a/ makabagong panrelihiyon  ay nagmumula sa mga mangmang at walang pinag-aralan sa relihyon na kanilang kinukuha kahit kanino lang at sumasang-ayon sa lahat ng bagay. At sinuman ang nasa ganitong kalagayan ay tunay na wala silang relihyong pinanghahawakan.
       Sinabi ng Allah تعالى :
ۖ فَمَا اخْتَلَفُوا إِلَّا مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَهُمُ الْعِلْمُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ ۚ
[سورة الجاثية 17]
  
    Sa malapit nitong kahulugan :
Kung saan pa na dumating sa kanila (i.e.  ang mga Hudyo) ang katotohanan at pagkatapos itong malaman, dun pa sila nagkasalungatan at nagkahiwa-hiwalay ( dahil mas pinili nilang sundin ang kanilang mga pansariling kagustuhan kaysa sundin ang katotohanan.)
    At gayundin ang pakahulugan ng sinabi ng Allah تعالى :
(وَمَا اخْتَلَفَ فِيهِ إِلَّا الَّذِينَ أُوتُوهُ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَاتُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ ٍَۖ)
[سورة البقرة 213]

    At sila yaong mga masasamang maalam, makasarili at nagtataglay ng mga makabagong panrelihiyon/Bid'a.

102. At iyong pakaalamin na mananatili sa mga tao ang grupo na patuloy na panghahawakan ang katotohanan at tamang pananampalataya, sila ay gagabayan ng Allah تعالى sa katotohanan at sa pamamagitan nila ay magagabayan ang iba tungo sa katotohanan, sa pamamagitan nila ipanunumbalik ng Allah تعالى ang mga katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم pagkatapos itong kalimutan ng karamihan at talikdan. At sila ang tinutukoy ng Allah تعالى sa kabila ng kanilang maliit na bilang sa panahon ng pagkakasalungat at pagkakahiwalay sa Kanyang sinabi:
(وَمَا اخْتَلَفَ فِيهِ إِلَّا الَّذِينَ أُوتُوهُ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَاتُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ ٍَۖ)
        Sa malapit nitong pakahulugan :
    Kung saan pa na dumating sa kanila (i.e.  ang mga masasamang maalam) ang katotohanan at pagkatapos itong malaman, dun pa sila nagkasalungatan at nagkahiwa-hiwalay ( dahil mas pinili nilang sundin ang kanilang mga pansariling kagustuhan kaysa sundin ang katotohanan.)
        At pagkatapos ng talatang ito, ibinukod ng Allah تعالى yaong kanyang ginabayan:
( ۖ فَهَدَى اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا لِمَا اخْتَلَفُوا فِيهِ مِنَ الْحَقِّ بِإِذْنِهِ ۗ وَاللَّهُ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ)
[سورة البقرة 213]
        Sa malapit nitong kahulugan:
  Samakatuwid, ginabayan ng Allah  تعالى  ang mga mananampalataya tungo sa  pagkakakilala ng katotohanan mula  sa kamalian; at pagkakaunawa sa anumang bagay na hindi pinagkasunduan ng iba.   At  iyan ay bilang biyaya at kagandahang-loob ng Allâh تعالى. Sapagkat Kanyang  pinapatnubayan  ang sinumang  Kanyang nanaisin  mula sa  Kanyang mga alipin tungo sa matuwid na landas.
        At sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم : " Mananatili ang isang grupo mula sa aking Ummah sa katotohanan, mangingibabaw sa lahat at hindi sila mapipinsila ng sinumang bumabatikos sa kanila hanggang sa kahuli-hulihang araw ng mundo."

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

Saturday, July 9, 2016

P27




100. Sinabi ng mga pantas, kabilang sa kanila si Imam Ahmad bin Hambal: "Ang isang Jahmian ay siyang hindi muslim at siya ang nararapat na alisan ng karapatang pang-muslim, hindi siya kabilang sa mga muslim, sentensiyado/mahahatulan ng kamatayan,* hindi magmamana at hindi magpapamana - dahil sinasabi ni Jahm na:" Walang Salatul Jumu'ah/Friday mass and prayer at walang Salatul Jama-'ah/Congregational prayers. "," Walang Eidul Fitr at Eidul Adha at walang Zakat/kawanggawa sa Islam. " at dahil sa kanilang pinaniniwalaan na sinuman ang tumanggi na "ang Qur-an ay likha/nilikha" ay kabilang sa mga di-mananampalataya. At pinaniniwalaan nilang maaaring kitlin ang buhay ng sinumang sumasalungat sa kanila.**Samantalang sila ang sumasalungat sa paniniwala ng mga nauuna sa kanila — silang mga Sahaba at mga sumunod sa kanila. At ninais din nilang sirain ang mga masjid at pinahina nila ang Islam at inalis nila ang Jihad sa Islam at kanila pang pinalala ang pagkakahiwalay ng mga muslim. At kanilang sinasalungat ang Qur-an at Sunnah at pinanghahawakan lamang ang mga lumang batas at mga katibayang di-makapag-iisa. At kanilang ginulo ang mga isipan ng mga muslim at ang kanilang pananampalataya. At kanilang pinanghimasukan ang mga bagay na hindi nararapat panghimasúkan, kanilang pinaniniwalaan na walang kaparusahan sa loob ng libingan, walang Hawdh/lawa*** ang Propeta صلى الله عليه وسلم at wala rin siyang pamimintakasi/Shafa-'a, at ang paraiso at impiyerno ay hindi pa nalikha magpasahanggang ngayon. At marami rin silang pinasinungalingan sa mga Hadith ng Propeta صلى الله عليه وسلم at marami rin silang kinitil na mga buhay.
        Kung kaya sinabi ng mga paham na iskolar na ang isang Jahmian ay isang Kafir/di-mananampalataya dahil sinuman ang pinasisinungalingan ang isang talata lamang ng Qur-an at tunay na kanyang pinasisinungalingan ang buong Qur-an. At gayundin ang siyang pinasisinungalingan ang isang Hadith ay kanyang pinasisinungalingan ang lahat ng mga Hadith. Siya ay isang Kafir/di-mananampalataya sa Allah سبحانه وتعالى.
        Sa kanilang panahon, sila ang nanaig sa tulong ng pinunong si Abdullah Alma'-mun at ng sumunod pang mga pinuno kung kaya'y dinaan nilá sa dahas ang sinumang tumutol sa kanila. Dito nagsimulang mawala ang liwanag at katuruan ng Ahlus Sunnah wal Jama-a' at halos wala nang natira dahil sa talamak na katuruan ni Jahm bin Safwan at sa dami ng mga nagpapahayag nito. Hanggang ang mga katuruang ito ang siyang itinuturo nila sa kanilang mga paaralan at ang kanilang inilalathala sa kanilang mga aklat at kanilang napasang-ayon ang karamihan at ang iba naman ay nasilaw sa ginto't pilak. - napakatinding pagsubok at sakuna na halos walang makakaligtas mula rito maliban sa siyang nasa pangangalaga ng Allah تعالى.
        Ang pinakasimpleng mangyayari sa pakikiupo at pakikitungo sa kanila ay ang pagdududa sa pananampalatayang Islam o kaya nama'y sasang-ayon sa kanila, walang kamalay-malay kung siya ba'y nasa katotohanan o nasa kamalian.
        Nagpatuloy ang pinsalang ito sa mamamayang muslim hanggang sa panahon ni Jaafar Almutawakkil at muling sumikat ang liwanag ng Ahlus Sunnah wal Jama-a' sa kabila ng kanilang kakaunting bilang at dami ng mga nasa kamalian at kaligawan magpasahanggang ngayon.
        At mananatili ang kanilang bakas, katuruan at pagkaligáw hanggang ngayon, mayroon sa kanila'y isinasampalataya ang mga ito, nananawagan tungo sa mga katuruang ito, nang walang anumang sagabal na humaharang sa kanila at walang anumang pumipigil sa kanilang pinagsasasabi.
      

================
Talababaan:
* ito  ay maisasabatas lamang sa pamahalaang islamiko.
** sa pamumuno ni Abdullah Alma'-mun, marami silang kinitil na mga pantas at mga muslim na sumalungat sa kanila at sila'y pinarurusahan hanggang sa sila ay sumang-ayon. At kanilang pinilit ang mga tao na sumunod sa kanilang kagustuhan.
*** balikan ang p6 #19


#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

P26



99.  At iyong pakaalamin na ang dahilan ng matinding pagkaligáw ng mga grupo ni Jahm bin Safwan o mga Jahmian ay ang panghihimasok nila sa pagkakalikha ni Khaliq (الخالق) - ang tagapaglikha at sa Kanyang mga katangian gamit ang kanilang mga isipan sa pamamagitan ng mga katanungang "bakit" at "paano" at sa pamamagitan ng paghahalintulad sa mga bagay na kanilang nalalaman.* Kung kaya't bilang sanhi nito, marami silang pinasinungalingan sa mga katangian ng Allah تعالى at marami silang binatikos na mga muslim at inalisan ng mga karapatang pang-muslim at kanilang pinaniniwalaan na sinuman ang tumataliwas sa kanilang mga prinsipyo ay hindi na muslim at tuluyan nang nasira ang kanilang pagkamuslim. At ang naging hantungan ng kanilang prinsipyong ito ay ang paniniwala na walang diyos o walang bagay na tinatawag na Diyos.

=================
Talababaan:
* samantalang sinabi ng Allah تعالى :
(يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يُحِيطُونَ بِهِ عِلْمًا)
[سورة طه 110]
Batid  ng Allâh تعالى kung anuman  ang  pangyayari sa  hinaharap  ng  mga tao tulad  ng  Muling Pagkabuhay  at  ang anumang  nakalipas nang pangyayari hinggil sa makamundong  buhay - ang lahat ng mga nangyayari sa kanila ay saklaw  ng  Kanyang  ganap na kaalaman, samantalang hindi Siya kayang abutin ng kanilang kaalaman.

#transbrbhry296



ترجمه أبو حيان