Saturday, August 20, 2016

p40



142. Sinabi ni Abdullah bin Mubarak رحمه الله :

"Huwag ninyong kunin ang mga bagay na nauukol sa Ra-fida mula sa mga taga-Kufa, at huwag ninyong kunin ang paghihimagsik laban sa namumuno mula sa mga taga-Sham,at huwag ninyong kunin  ang anumang kaalaman ukol sa tadhana mula sa mga taga-Basra,at huwag kumuha ng kaalaman sa mga Murji'ah na taga-Khurasan, at huwag ninyong kunin ang pamamaraan na mga taga-Makkah sa kanilang pagpapalitan ng pera sa pera, at mga awit mula sa taga-Madinah."
143. At kapag nakita mo ang isang tao na minamahal sina Abu Hurayra, Anas bin Malik, at si Usayd bin Hudayr, pakaalamin na siya ay kasapi ng Ahlus Sunnah wal Jama'a. At gayundin ang sinumang nagmamahal kina Ayyub, bin 'Awn, Yunus bin 'Ubayd, Abdullah bin Idris Al-awdi, Sha'bi, Malik bin Migwal, Yazid bin Zuray', Muad bin Muad, Wahb bin Jarir, Hammad bin Salama, Hammad bin Zayd,Malik bin Anas, Al-awza'i, Za-idatu bin Qudama, at kina Ahmad bin Hambal, Hajjaj bin Minhal, at Ahmad bin Nasr.
144.At kapag nakita mo ang isang muslim na umuupo sa isang ligaw na guro, nararapat sa iyong payuhan ang iyong kapatid na muslim, ngunit kapag patuloy siyang umuupo sa taong yaon sa kabila ng mga payo sa kanya, marapat mo na siyang iwasan, marahil nalason na rin ang kanyang kaisipan.
145.At kapag narinig ang isang tao na pinapayuhan gamit ang mga Hadith at kanya itong tinatanggihan dahil ang gusto niya  ay payo na mula sa Qur-an, walang duda na siya ay nagtataglay ng huwad na pananampalataya kung kaya't lisanin siya ay huwag nang umupo sa kanya.
146. At iyong pakaalamin na ang lahat ng napso-hawa* ay masama ang dulot nito na magsasanhi sa paghihiwa-hiwalay, pagsuway sa pinuno/Imam at maaaring maging sanhi ng himagsikan at kaguluhan. At ang pinakamatindi at masamang pangkat at pinakamalayo sa katotohanan na dulot ng napso-hawa ay ang mga Ra-fida, Mu'tazila at Jahmian. Sapagkat sila ang naghuhumok sa mga tao na pabulaanan ang mga katangian ng Allah تعالى at upang maging huwad na mga mananampalataya at marupok sa kanilang kinatatayuan.

================
Talababaan:
* lahat ng bagay na salungat sa katuruan ng Qur-an at ng Sunnah, ito man ay símulain, pananaw, ideya, kagustuhan o gawa ay matatawag na napso-hawa.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

No comments: