Saturday, August 20, 2016

p39



141. At kapag narinig mo ang isang tao na nagsasabi ng: "Si Pulano ay isang Na-sibi*.", marapat mong malaman na ang taong iyan ay isang Ra-fida*. At kapag narinig naman ang isang taong nagsasabi ng: "Si Pulano ay kanyang ihinahalintulad ang Allah تعالى sa kanyang mga nilikha.", mararapat mong malaman na ang taong yaon ay isang Jahmian* o Mu'tazila* o Ash'ari* o Maturidi*. At kapag narinig naman ang isang taong nagsasabi: "Ituro mo sa akin ang Tawhid**. ",marapat mong malaman na siya ay isang Kha-riji at Mu'tazila. At kapag narinig naman ang isang tao na nagsasabi: "Si Pulano ay isang Jabriyya*." o nagsasabi na "Ang alipin ay walang kalayaan sa kagustuhan at pagdedesisyon.", ang taong iyan ay isang Qadari*. Sapagkat ang mga bagay na ito  ay inimbento  lamang ng mga ligaw na grupo.

==============
Talababaan:
* ang mga nabanggit ay purong ligaw na mga grupo, sila ay ang mga sumusunod:
1- Na-sibi: isa sa mga katawagan ng pangkat ng Kha-riji - sila yaong mga may galit sa kapamilya ng Propeta صلى الله عليه وسلم lalo na kay Ali bin Abi Talib رضي الله عنه.
2- Ra-fida: isa sa katawagan ng pangkat ng Shi'a - sila yaong naniniwala na si Ali ni Abi Talib ang higit na mainam at mas nakalalamang sa mga Sahabah at lalong higit sa mga natitirang kalipa رضي الله عنهم. At naniniwala na ang kapamilya ng Propeta صلى الله عليه وسلم ang higit na karapat-dapat na mamuno sa mga muslim at ang pamumuno ng iba maliban sa kanila ay hindi makatarungan.
3- Jahmian: sila yaong mga sumusunod sa yapak ni Jahm bin Safwan -siya ang kauna-unahang nagsabi na ang Qur-an ay isang nilikha at pinasinungalingan ang mga katangian ng Allah تعالى.
4- Mu'tazila: isa sa mga ligaw na pangkat na binubuo ng iba't ibang mga simulain at pananaw sa pananampalataya mula sa iba't ibang ligaw na pangkat. At sila ay kilala sa kanilang tinataglay na pangunahing limang mga haligi ng pananampalataya:
          l- ang Tawhid batay sa pananaw ng mga Jahmian
         ll- ang katarungan, batay sa pananaw ng mga Qadari
        lll- ang pangako ng
Allah تعالى at Kanyang panakot/babala
       lV- ang katayuan sa pagitan ng pananampalataya at di-pananampalataya
        V- ang pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan batay sa pananaw ng mga Kha-riji.

5- Ash'ari: isa sa mga ligaw na pangkat na siyang tumatalamak sa kapulaan ng Filipinas kasabay ng pangkat ng Shi'a. Sila yaong mga sumusunod sa yapak ni Abulhasan Al-ash'ari رحمه الله bago pa man siya magbalik-loob mula sa kanyang maling pananaw. Si Abulhasan رحمه الله ay unang naging Mu'tazila ngunit sa kahuli-hulihan ng yugto ng kanyang buhay, siya ay bumalik sa pamamaraan ng Ahlus Sunnah wal Jama'a.
6- Maturidi: sila yaong mga sumusunod sa yapak ni Abi Mansur Almaturidi. At ito ay kabilang din sa mga ligaw na pangkat dahil sa iilang mga pananaw nila sa mga katangian ng Allah تعالى ,ngunit ito ang mas malapit sa pananampalataya ng Ahlus Sunnah wal Jama'a.
7- Qadari: isa sa mga sangay ng pangkat ng Murji'ah — sila yaong mga kilala sa kanilang pananaw na : "Hindi mapipinsala at mababawasan ang pananampalataya kanyang anong laki ng kasalanan, at hindi mapapakinabangan ng isang di-mananampalataya anumang uri ng pagsamba."
8- Jabriyya: isa rin sa mga sangay ng pangkat ng Murji'ah na sumusunod sa yapak ni Jahm bin Safwan.
** ito ang Tawhid sa kanilang pananaw kung saan kanilang pinasisinungalingan ang mga katangian ng Allah تعالى.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

No comments: