Sunday, August 21, 2016

p41



147. At iyong pakaalamin na sinuman ang may masamang balakid — kahit isa man lang  — sa mga Sahabah ng Propeta صلى الله عليه وسلم, ang kanyang pangunahing pakay sa gawaing ito ay upang siraan ang Propeta صلى الله عليه وسلم at tunay na kanyang niyamót ang Propeta صلى الله عليه وسلم kahit na siya ay yumao’t bangkay na.
148. At kapag iyong natuklasan sa isang tao ang isang makabagong panrelihyon (Bid'a),marapat mo siyang iwasan, at dapat mong malaman na ang mga bagay na tulad ng napag-alaman mo na lingid sa iyong kaalaman ay mas marami kaysa sa  iyong napagmasdan.
149. At kapag nakita mo ang isang muslim mula sa Ahlus Sunnah wal Jama'a kahit pa nagtataglay ng kasalanan, kung siya naman ay nasa tamang pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم, ay iyo siyang samahan at umupo kasamá niya. Sapagkat hindi ka mapipinsala ng kanyang pagkakasala. Datapwa't kung makatagpo ka ng isang taong napakatiyaga sa pagsamba at halos iwan na ang mundo nang lubos, at halos walang pahinga ngunit siya naman ay nagtataglay ng napso-hawa at Bid'a, huwag pasisilaw sa kanyang mapanlinlang na gawain at ni makiupo sa kanya, ni kausapin siya at ni makisabay sa kanya sa paglalakad ay huwag nang pagtangkaan. Dahil hindi ko magagarantiya sa iyo na hindi ka madadala at matutulad sa kanya at ikaw ay maliligaw kasama niya.
        At minsan nakita ni Yunus bin Ubayd ang kanyang anak na lumabas mula sa bahay ng isang ligaw. Nung siya ay dumating, kanyang tinanong ang kanyang anak: "Saan ka galing, mahal kong anak?" Ang sagot ng anak: "Doon po kay Pulano*." At kanyang sinabi: "O aking anak, mas pipiliin kong makita kang lumabas sa bahay ng makasalanang muslim kaysa makita kang lalábas sa bahay ni Pulano na isang ligaw at huwad na muslim. At ang bawian ka ng buhay na ika'y makasalanan ay mas mainam kaysa abutan ka ng kamatayan na ika'y ligaw sa tamang pamamaraan.".
        Hindi mo ba naisip kung bakit mas pipiliin ni Yunus ang ganun sa kanyang mahal na anak? Ito ay dahil sa alam ni Yunus na ang isang makasalanan ay hindi niya ililigaw ang kanyang anak, di-hamak sa tulad ng isang mala-di-makabasag pinggan na ang kapahamakang taglay ay mas masaklap pa sa bubog ng isang pinggan. Sapagkat kanya siyang ililigaw hanggang tuluyan na niyang talikuran ang Islam na kinagisnan.

==============
Talababaan:
* ito ay tumutumbas sa wikang banyaga na JOHN DOE

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

No comments: