150. Maging maingat nang husto lalo na sa kasalukuyang henerasyon. Suriing mabuti ang iyong kinakatabi, kasa-kasama at iyong pinakikinggan. Sapagkat halos lahat ng mga tao sa kasalukuyan ay napakalapit sa pagkaligáw maliban sa silang ginabayan ng Allah تعالى.
151. At pakasuriin, kung iyong maririnig ang isang muslim na kanyang parating bukambibig ang mga pangalan nina: Bin Abi Du-ad, Bishr Almirrisi, Thumamah, Abu Hudhayl, Hisham Alfu-ti, o alinman sa kanilang masugid na tagasunod, ay pakaiwasan siya dahil siya ay isang ligaw. Sapagkat ang mga pangalang nabanggit ay pawang hindi mga muslim at mga ligaw. At hayaan mo ang naturang lalaki na pumupuri sa kanila.
152. At ang pagsusuri at pagsubok sa isang muslim sa kanyang pananampalataya ay Bid'a at hindi ito nangyari sa mga naunang salihlahi. Ngunit sa kasalukuyang panahon, kinailangan nang suriin ang isang muslim sa pamamagitan ng Sunnah o pamamaraan ng Ahlus Sunnah wal Jama'a, sinabi ni Bin Sirin رحمه الله :
"Pakasuriin ninyo ang taong pinagkukunan ninyo ng kaalamang panrelihyon, at mangyaring huwag kumuha ng Hadith maliban sa kanilang may kagandahang-ásal-Islamiko."Kaya't pakasuriin muna nang mabuti, at kung mapag-alaman na siya ay kabilang sa Ahlus Sunnah wal Jama’a, may sapat na kaalaman at may kagandahang asal, nararapat na sa kanila ay magtanong, makiupo at makinabang sa kanilang kaalaman. Ngunit kapag mapag-alaman na siya ay hindi kasapi ng Ahlus Sunnah wal Jama'a, nararapat lamang na iwanan at iwasan siya.
#transbrbhry296
ترجمه أبو حيان
No comments:
Post a Comment