Sunday, August 21, 2016

p45

158. At hindi maaari sa sinumang muslim na sabihin: “Si Pulano ay kasapi ng Ahlus Sunnah wal Jama’a.” hangga’t sa kanyang mapag-alaman nang lubusan na ang taong kanyang tinutukoy ay tunay ngang nagtataglay ng pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ng kanyang mga Sahabah رضي الله عنهم .
159. At sinabi ni Abdullah bin Mubarak رحمه الله :

“Ang pinagmulan at ugat ng pitumpo’t dalawang sekta ng Islam ay ang napso-hawa, at itong napso-hawa ay nahahati sa apat, at mula sa apat na bagay na ito umusbong ang pitumpo’t dalawang sekta ng Islam. Ito ay ang mga sumusunod:
l- Qadariyya
ll- Murji’ah
lll- Shi’a
lV- Kha-riji."
Ang sinuman na kanyang pinaniniwalaan na sina Abu Bakr, Umar, Uthman, at Ali — sa kanilang pagkakasunud-sunod — ay nangunguna sa lahat ng mga Sahabah رضي الله عنهم at wala man ding sinasabing hindi angkop sa mga natitirang Sahabah رضي الله عنهم at nananalangin para sa kanila ng kabutihan, ay hindi sinasaklaw ng sekta ng Shi’a.
Ang sinuman na naniniwala na ang pananampalataya ay isinasalita at isinasagawa, tumataas at bumababa, lumalakas at humihina, ay hindi na sinasaklaw ng sekta ng Murji’ah.
Ang sinuman na kanyang pinaniniwalaan na ang Salah ay nasa pangunguna ninuman — mapa-mabuti man siya o masama —, at ang Jihad ay nasa pangunguna ng pangkalahatang pinuno, at hindi maaaring lumabas sa pamumuno ng pangkalahatang pinuno sa pamamagitan ng pagpaslang sa kanya o pagsuway, at nananalangin para sa ikabubuti ng kanyang pinuno, ay hindi sinasaklaw ng sekta ng Kha-riji.
At sinuman na kanyang pinaniniwalaan na ang lahat ng mga pangyayari ay itinakda ng Allah تعالى, ito man ay mabuti o masama, inilíligaw Niya ang sinumang Kanyáng nanaisin at ginagabayan Niya ang sinumang Kanyáng naisin, ay hindi sinasaklaw ng sekta ng Qadariyya. Bagkus siya ay kabilang sa Ahlus Sunnah wal Jama'a.
160. Isang Bid'a ang lumitaw na siyang nagpapasinungaling sa Allah تعالى at kawalan ng pananampalatayang Islam, ang sinumang tumangkilik at paniwalaan ito ay tunay na nawalan ng pananampalataya, ito ay ang paniniwala sa muling pagbabalik ng isang nilikha sa mundo bago dumating ang Araw ng paghuhukom at sinasabi na si Ali bin Abi Talib ay buhay hanggang ngayon at muling magbabalik sa takdang oras bago ang paggunaw ng mundo, at gayundin sina Muhammad bin Ali, Ja'far bin Muhammad, at Musa bin Ja'far. Iyan ang kanilang pinaniniwalaan at sila ay may-natatanging kaalaman ukol sa mga lingid na bagay na tangi lamang ang Allah تعالى ang nakakaalam. Kaya't sila ay pakaiwasan dahil pinasinungalingan nila ang Allah تعالى at nawalan sila ng pananampalataya at gayundin ang mga tumatahak ng kanilang paniniwala.
161. Sinabi ni Ta'ma bin Amr at ni Sufyan bin Uyayna رحمهما الله :
"Sinuman ang may pag-aalinlangan sa kainaman nina Uthman at Ali sa pamumuno, — kung si Ali ba ang nararapat na umupo bilang pinuno kaysa kay Uthman — ay isang Shi'a at hindi papahintulutan sa kanya ang pagsaksi, hindi kakausapin at hindi sasamahan sa kanyang pag-upo. At sinuman na kanyang mas inuuna si Ali kay Uthman ay isang Ra-fida na kanyang tinanggihan ang katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم. At sinuman na kanyang inuuna ang apat sa lahat ng mga Sahabah رضي الله عنهم at nananalangin sa kanila ng "Kaawaan nawa sila ng Allah تعالى. ", nagpigil sa paninira sa kanila ay nasa tamang pamamaraan, gabay at katotohanan."


‪#‎transbrbhry296‬


ترجمه أبو حيان

No comments: