170. Sinabi ni Imam Malik bin Anas رحمه الله :
"Sinuman na kanyang pinanghawakan ang pamamaraan ng Ahlus Sunnah wal Jama'a at naging malinis sa kanyang pakikitungo sa mga Sahabah رضي الله عنهم at inabutan ng kamatayan sa naturang sitwasyon ay mapapabilang kasama ng mga propeta at sugo, mga matutuwid na mga naniwala nang buong katapatan, mga martyr (namatay sa pakikibaka sa landas ng Allah تعالى), at mga mabubuting mananampalataya — kahit pa na mayroon siyang pagkukulang —."At sinabi ni Bishr bin Harith رحمه الله :
"Ang Islam ay siyang pananampalataya, at ang pananampalataya ay siyang Islam."At sinabi ni Fudayl bin Iyadh رحمه الله :
"Kapag nakakakita ako ng isang nagtataglay ng Sunnah ay para na ring nakikita ko ang mga Sahabah رضي الله عنهم, at kapag naman nakakakita ako ng isang nagtataglay ng Bid'a ay para na ring nakikita ko ang mga Munafiq /huwad at mapagkunwaring muslim."At sinabi ni Yunus bin 'Ubayd رحمه الله :
"Ang nakapagtataka sa kasalukuyan ay yaong nananawagan sa tamang pananampalataya, at ang labis na nakapagtataka ay yaong sumasagot at nagpapaunlak sa panawagang ito."At ang huling payo ni Bin 'Awn رحمه الله bago siya pumanaw :
"Panghawakan ninyo ang Sunnah/pamamaraan ng Ahlus Sunnah wal Jama'a at pakaiwasan ang mga Bid'a."At sinabi ni Imam Ahmad bin Hambal رحمه الله :
"Nung namatay ang isa sa aking mga kasamahan, siya ay nagpakita sa aking panaginip at nagwika:" Sabihin ninyo kay Ahmad na pangalagaan ang Sunnah, sapagkat ito ang kauna-unahang itinanong sa akin ng Allah تعالى. "At sinabi ni Abul-aliya رحمه الله :
"Sinuman ang bawian ng buhay sa kanyang pinanghahawakang Sunnah nang malinis at hindi man lamang nagtaglay ng Bid'a ay maituturing na isang Siddiq /matuwid na naniwala nang buong katapatan."At sinasabi niya rin:
"Ang pangangalaga at pananatili sa pamamaraan ng Ahlus Sunnah wal Jama'a ay siyang kaligtasan. "At sinabi ni Sufyan Aththawry رحمه الله :
"Ang sinumang nakinig nang maigi gamit ang kanyang tainga sa isang ligaw na nagtataglay ng Bid'a ay tunay na lumabas sa pangangalaga ng Allah تعالى at ipinaubaya na nang lubos sa taong ligaw na yaon."At sinabi ni Dawud bin Abi Hind رحمه الله :
"Ipinahayag ng Allah تعالى kay Propeta Musa bin Imran عليه السلام na huwag umupo kasamá ng mga nagtataglay ng Bid'a, at kung sakaling uupo ka sa kanila at nang dahil dun ay maapektuhan ka at magsimulang mag-aalinlangan, Impyerno ang ipaparusa ko sa'yo."At sinabi ni Fudayl bin Iyadh رحمه الله :
"Ang sinuman makiupo sa mga nagtataglay ng Bid'a ay hindi ma pagkakalooban ng tamang kaalaman."At sinabi niya rin:
"Sinuman ang tumatangkilik sa isang taong nagtataglay ng Bid'a ay ipasasawalambahala ng Allah تعالى ang kanyang mga gawain at babawiin ang liwanag ng Islam mula sa kanyang puso. "At sabi niya rin:
"Ang sinumang umuupo kasama ng mga nagtataglay ng Bid'a, iwasan siya kahit sa daan kung makasalubong man ay mangyaring tumahak ng ibang daan."At sabi niya rin:
"Ang sinumang rumerespeto sa isang nagtataglay ng Bid'a ay parang tinulungan niya ang isang ligaw na sirain ang relihyong Islam. At sinumang ngumiti sa isang nagtataglay ng Bid'a ay para na ring minamaliit niya ang ibinaba ng Allah تعالى sa kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم. At sinumang ipinakasal ang kanyang anak sa isang nagtataglay ng Bid'a ay parang pinutol na niya ang relasyon sa pagitan niya at sa pagitan ng kanyang anak. At sinumang nag-asikaso sa labí ng isang nagtataglay ng Bid'a ay mananatili siya sa pagkagalit ng Allah تعالى hanggang sa kanyang pagbalik sa kanyang tirahan. "At sabi niya rin:
"Magagawa kong kumain kasama ng isang Hudyo, magagawa kong kumain kasama ng isang Kristiyano, ngunit hindi ko magagawang kumain kasama ang isang nagtataglay ng Bid'a. At mas nanaisin kong magkaroon ng bakod na yari sa bakal sa pagitan naming dalawa."At sinabi niya rin:
"Kapag nalaman ng Allah تعالى na ang isang muslim ay may pagkamuhi sa isang nagtataglay ng Bid'a ay patatawarin sa kanya ng Allah تعالى kahit na siya ay nagtataglay lamang ng kakaunting kaalaman. At ang pakikisama sa kanya ng isang Sunni ay isang uri ng pagkukunwari. At sinumang umiwas sa kanya at sa katulad niya ay matutumbasan ng liwanag ng pananampalataya, at sinumang nagtaboy sa kanya ay matutumbasan ng kaligtasan sa Araw ng paghuhukom. At sinumang magbababa sa kanila ay itataas siya ng Allah تعالى sa Paraiso ng sandaang pangkat. Kung kaya't huwag sanang matulad sa kanilang mga nagtataglay ng mga Bid'a magpahabang buhay."
---W—————A—————K—————A—————S---
#transbrbhry296
ترجمه أبو حيان
No comments:
Post a Comment