153. At kung nanaisin na maging matuwid at manatili sa katotohanan at sa pamamaraan ng Ahlus Sunnah wal Jama'a, pakaiwasan ang kaalamang pilosopiya at mga pilosopo, pakikipagtalakayan at pakikipagtalo, paghahalintulad sa mga katangian ng Allah تعالى , at paghahambing sa pagitan ng mga sekta ng Islam. Sapagkat ang simpleng pakikinig lamang sa kanila — kahit na hindi mo ito nais na pakinabangan — ay maaaring maging sanhi ng pagdududa sa ibang aspekto ng pananampalataya at mapipilitan mong tanggapin ang bagay na nagmula sa kanila na siyang naging sanhi ng iyong pagdududa. At sa huli ay matutulad sa kanila na pawang ligaw sa katotohanan. At lahat ng kahuwaran at pagkukunwari, makabagong panrelihyon(Bid'a), napso-hawa at pagkaligaw ay sanhi ng pilosopiya, pakikipagtalakayan at pakikipagtalo, paghahalintulad sa mga katangian ng Allah تعالى. At ang mga ito ang pinagmumulan ng Bid’a , pagdududa at pagkukunwari’t kawalan ng pananampalataya.
154. Kung kaya’t katakutan ang Allah تعالى sa kapakanan ng iyong sarili at panghawakan ang pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ng kanyang mga Sahabah , at ang pagtahak sa kanilang pamamaraan dahil iyan ang tanging daan tungo sa tamang pananampalataya. Sapagkat hindi nila tayo iniwan sa pagkaligaw o kalituhan, sapagkat nabigyang-linaw na ang lahat ng bagay at naiparating na ang lahat ng mga katibayan. Kung kaya ay wala nang puwang para sa pagdududa at pagkalito. Kaya’t sila’y sundin at tularan, at huwag nang maging abala sa paghahanap ng kaliwanagan dahil ito’y nabigyang-linaw na nila.
155. At sa mga Mushtibahat/kahina-hinalang bagay na maka-relihyon — ito man ay mapa-Qur-an o mapa-Sunnah — ay maghunos-dili kang marapat at huwag nang tangkaing magsunog pa ng kilay maabot lamang kung ano ang dapat.
156. At huwag mong tapatan at patulan ang mga taong ligaw na nagtataglay ng mga Bid’a , at sagutin ang kanilang mga katanungang mapanlilo nang wala kang sapat na kaalaman at kahandaan. Sapagkat marapat sa iyo ang tumahimik na lamang. At huwag mong hahayaan na ikaw ay pananaigan nila. Hindi mo ba napag-alaman na si Muhammad bin Sirin رحمه الله — sa kabila ng kanyang kalamangan sa pananampalataya at kaalaman — hindi niya pinatulan ang isang ligaw na lalaki sa kanyang nag-iisang katanungan at ni hindi niya pinakinggan mula sa kanya ang kanyang binanggit na mula sa banal na Qur-an? At nung siya ay tinanong kung bakit ganun na lamang ang kanyang inasal, kanyang sinagot:
“Ako ay lubhang nangamba na kung sakaling mabigyan ng pagkakataon ang taong yaon ay kanyang mabibihag ang aking isipan.”
#transbrbhry296
ترجمه أبو حيان
No comments:
Post a Comment