Sunday, August 21, 2016

p46



162. Ang pananampalataya na ang sampó sa  mga Sahabah رضي الله عنهم , sa kanila naganap ang pagsaksi ng Propeta صلى الله عليه وسلم na sila ay makakapasok ng Paraiso at kabilang sa maninirahan dito — nang walang pag-aalinlangan —.
163. Ang Salawat* ay natatangi kay Propeta صلى الله عليه وسلم at sa kanyang mga pamilya at kasamahan.
164. At iyong pakaalamin na si Uthman رضي الله عنه ay pinatay nang hindi makatarungan, at ang mga pumatay sa kanya ay mapagmalabis at mandaraya (kriminal).
165. Sinuman ang sumasang-ayon sa anumang napapaloob sa aklat na ito at nananampalataya sa mga ito at ginawa niyang pamantayan nang walang pag-aalinlangan sa alinman sa mga ito, tunay na siya ay kasapi ng Ahlus Sunnah wal Jama'a, kahit siya ay nag-iisa lamang. At sinuman ang tumanggi sa mga bagay na napaloob sa aklat na ito ay maituturing na ligaw.
166. At sinuman na kanyang pasinungalingan kahit na isang salita mula sa Qur-an o sa bagay na ipinarating ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay kanyang makakamit anuman ang nababagay sa kanya. Kung kaya't katakutan mo ang Allah تعالى at maging maingat at mapanuri sa iyong pananampalataya.
167. At kabilang sa pananampalataya ng Ahlus Sunnah wal Jama'a, huwag mong tulungan ang sinuman sa kanyang pagkakasala at pagsuway sa Allah تعالى, huwag sumang-ayon at sumunod sa utos ninumang nakatataas na sumasalungat sa kautusan ng Islam, at nararapat itong kamuhian alang-alang sa Allah تعالى.
168. At ang paniniwala na ang Tawbah/pagbabalik-loob sa Allah تعالى ay obligado at nararapat sa lahat, ito man ay maging maliit na pagkakasala o malaki.
169. At sinuman ang hindi sumang-ayon sa pagsaksi ng Propeta صلى الله عليه وسلم na sila ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso ay siyang ligaw at may pag-aalinlangan kay Propeta صلى الله عليه وسلم sa kanyang ipinaabot.

==================
Talababaan:
* ang panalangin na ( اللهم صل على محمد وعلى آل محمد) o
(صلى الله عليه وسلم).

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

No comments: