113. At sa panahon ng Fitna o gulo sa pagitan ng mamamayang muslim, nararapat at mas mainam na manatali na lamang sa bahay at huwag nang makisalo pa sa gulo liban na lamang kung mayroon siyang magagawa upang matuldukan ang kaguluhan. At huwag kang pumanig sa iyong tribo o lahi kahit pa nasa kamalian, bagamat ang katotohanan ang marapat mong panigan. At lahat ng kaguluhan at patayan na nagaganap sa pagitan ng mamamayang muslim ay maituturing na Fitna /kaligawan. Matakot ka sa Allah تعالى kaya't huwag na huwag kang lumabas at sumanib sa gulo. Wala kang papanigan sa kanila, ni pagtulong o pagdepensa sa kanila o anumang bagay na magsisilbing suporta sa kanila. Sapagkat sinuman ang sumusuporta sa isang gawain mabuti man o masama ay para man ding siya ay nakiisa sa paggawa sa naturang gawain.
Gabayan nawa tayo ng Allah تعالى sa ikalulugod Niya. At ilayo nawa tayo sa kasalanan at pagkasala sa Kanya.
114. At huwag iasa ang kaalaman* sa kalawakan maliban na lamang sa pangangailangan na malaman ang oras ng Salah sapagkat ito ay ipinagbabawal na magdudulot ng palanang pagkaligaw.
115. At huwag mong pag-aralan ang pilosopiya** at iwasan ang mga pilosopo*** kahit sa pakikisama o pakikiupo lamang sa kanila.
116. Sa halip, iyong pakisamahan ang mga taong nagtataglay ng pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم — silang mga paham na iskolar at pantás ng Islam—. Sa kanila ay magtanong, makiupo at makinabang sa kanilang kaalaman.
============
Talababaan:
* batayan sa mga mangyayari sa hinaharap tulad ng horoscope.
** ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang iba't ibang anyo ng pakikipagtalastasan. Natatangi ang pilosopiya sa pagtalakay ng mga tanong na ito dahil sa mahigpit at binalangkas nitong pamamaraan na gamit ang rasyunal na pangangatwiran. (wikipedia)
*** mga tao na mahilig makipagtalo
#transbrbhry296
ترجمه أبو حيان
No comments:
Post a Comment