Monday, July 11, 2016

p35



123. At ang limang Salah / sambahayang ay mananatiling wasto sa likod ng imam maliban na lamang kung ang Imam ay isang Jahmian, sapagkat siya ay Ka-fir/ di-mananampalataya dahil kanyang pinasinungalingan ang Allah تعالى at ang kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم. At kung sakaling ikáw ay pinangunahan ng Jahmian sa pagtayo ng Salah, nararapat na ito ay ulitin mo upang maging wasto. At kung ang iyong Imam sa Jumuah/ Biyernes ay isang Jahmian at siya ang pinuno, nararapat na sumabay sa kanya at itayo ang Salah sa kanyang pangunguna, bagama't kailangan mo itong ulitin upang maiwasto. At kung ang Imam ay nagtataglay ng Sunnah, — siya man ay mapa-pinuno o hindi — marapat na sumabay sa kanyang pangunguna at hindi na kailangan pang ulitin.
124. At ang pananampalataya na sina Abu Bakr at Umar bin Khattab رضي الله عنهما ay inilibing kasama ng Propeta صلى الله عليه وسلم sa kwarto ni 'Aisha رضي الله عنها. Kung kaya'y Wajib/nararapat kung ikaw ay dadalaw sa libingan ng Propeta na magbigay-bati rin sa kanilang dalawa ng Assalamu alaykum.
125. At pagpapayuhan sa pagitan ng bawat isa ay Wajib/nararapat —maging ito man ay pag-uutos sa kabutihan o pagbabawal sa kasamaan. Maliban na lamang kung ito ay magsasanhi ng kapahamakan o kamatayan.
126. At nararapat din na ikalat at ipamahagi ang pagbati ng Assalamu alaykum sa bawat mamamayang muslim.
127. At sinuman na kanyang iwan ang pagsasagawa ng  Salatul Jumuah ( Friday Mass ) at Salatul Jama-'a ( Congregational Prayer ) sa Masjid nang walang sapat na dahilan ay tunay na nagtaglay ng Bid'a. Ang sapat at balidong dahilan ay tulad ng malubhang sakit at walang kakayanang tumungo sa Masjid, o pangamba mula sa kapahamakan ng masamang pinuno, atbp.
128. At sinuman ang nagsagawa ng Salah sa pangunguna ng Imam at hindi siya sumunod sa kanyang pangunguna ay hindi magiging wasto at tama ang kanyang Salah.
129. Ang pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal sa kasamaan ay sa pamamagitan ng lakas (kamay) , pananalita (dila) at damdamin (puso).
130. At ang isang muslim na hindi naman nakitaan ng anumang bagay na sumasalungat sa pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay mananatili bilang kasapi ng Ahlus Sunnah wal Jama-'a.
131. At lahat ng kaalaman na pinaniniwalaan na ito ay lingid sa kaalaman ng mga nilalang na hindi napapaloob sa Qur-an at katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay kaligawan at Bid'a. At ito ay hindi nararapat na isagawa at ipahayag.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

No comments: