Sunday, July 24, 2016

p37



135. At iyong pakaalamin na ang pandaraya ng isang Imam/pinuno at kanyang pangungurakot ay hindi makakaapekto at hindi magbabago ng anuman sa mga obligasyon na itinalaga ng Islam sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Propeta صلى الله عليه وسلم. Ang kanyang pandaraya ay makakapinsala lamang sa kanyang sarili. At ang iyong pagsunod sa kanya o pagpapailalim sa kanya at ang mabuting pakitungo sa kanya ay hindi mapipinsala bagkus ang gantimpala nito ay kumpletong-kumpleto إن شاء الله ( kung Kanyang nanaisin ). Ang ibig sabihin: mananatili ang batas ng Salatul Jama-'a, ng Salatul Jumu'ah at ng Jihad sa kanyang pamumuno. At lahat ng kanyang kautusan na hindi labag sa kautusan ng Islam ay nararapat sundin anuman ang mangyari at ikaw ay magagantimpalaan sa mga bagay na ito nang ganap.
136. At kung iyong makitaan man din ang isang muslim na nananalangin laban sa kanyang Imam/pinuno ay iyong pakaalamin na ang tulad ng tao na yaon ay nagtataglay ng Bid'a at ligaw, na sinasamba ang kanyang sarili lamang. At kung iyong makitaan man din ang isang butihing muslim na nananalangin para sa ikabubuti ng kanyang Imam, ito ay nagpapatunay na siya ay kasapi ng Ahlus Sunnah wal Jama-'a إن شاء الله.
        Ika nga ni Fudail bin Iyadh رحمه الله : "Kung lamang batid ko ang katanggap-tanggap na panalangin ay dinalangin ko na lang sana para sa Imam."
        At nung siya ay tinanong kung ano ang pakahulugan ng kanyang sinabi, sinagot niya na: "Kung idadalangin ko man sa aking sarili ay mapapasaakin lamang, samantala kung idinalangin ko para sa Imam/ pinuno ay mapapasakanya ang panalangin at siya ay bubuti. At sa kanyang kabutihan bubuti rin ang mga nasasakupan at buong kalupaan."
         Kung kaya naman tayo ay inutusan na manalangin sa ikabubuti ng ating Imam at hindi tayo inutusang maghimagsik kahit sa simpleng pamamaraan at manalangin laban sa kanya. Kahit pa gaano kalaki ang kanilang panlilinlang sa sambayanang muslim, dahil ang kanilang pandaraya ay babalik din sa kanilang mga sarili. Ngunit ang pagkabuti ng Imam ay babalik sa kanyang sariling kapakanan at pangkalahatang kapakanan ng mga mamamayan.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

No comments: