Monday, July 11, 2016

p34



120. Obligado at nararapat na itikom ang bibig sa alitan na nangyari sa pagitan ng mga Sahabah رضي الله عنهم, sa pagitan nina Ali, Mu-'awiya, 'Aisha, Talha, Zubayr at iba pa. At huwag makipagtalakayan sa mga bagay nila, ngunit ang nararapat ay ipasa-Allah تعالى na lamang ang mga ito. Sapagkat sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم :"Huwag pagbuhatan ng masasamang salita at paratang ang aking mga Sahabah at aking mga manugang." At kanya ring sinabi: "Katunayan, tumingin ang Allah تعالى sa mga mandirigma ng Badr at nagwika: "Gawin na ninyo anumang naisin ninyo, dahil pinatawad ko na kayo.""
121. At iyong pakaalamin na anuman na pagmamay-ari ng isang muslim ay Haram/hindi maaaring kunin o angkinin hangga't walang pahintulot ng nagmamay-ari. At kung sakali mang kukunin ito nang walang pahintuntulot ng may-ari, mananatili itong pananagutan sa kanya anuman ang mangyari hanggang sa ito ay maibalik sa nagmamay-ari. At hindi mo ito maaaring pakinabangan maliban na lamang kung kanyang pahihintulutan. Sapagkat siya marahil ay magbalik-loob at nanaisin na ibalik ang kanyang kinuha. Sa pagkakataong ito, pinakinabangan mo ang bagay na alam mong Haram.
122. At lahat ng uri ng hanap-buhay ó anumang pinagkakakitaan ay pinahihintulutan ng Islam maliban sa mga bagay na taliwas sa hangarin at katuruang-Islamiko. At kung sakaling ito man ay taliwas sa maka-Islamikong katuruan at siya ay nasa bingit ng kamatayan, pinahihintulutan ng Islam na kumuha lamang ng sapat na ikasasagip ng kanyang buhay.* At huwag mong sásabihin na uupo ka na lang at magsamba't magsaliksik ng kaalaman at aasa ka na lang sa ibibigay ng mga tao sa'yo bilang kawang-gawa. At ang pamamaraang ito ay hindi ginawa ng mga Sahabah at ng mga pantas magpasakasalukuyan. Sinabi ni Umar bin Khattab: "Ang simpleng hanap-buhay ay mas mainam kaysa panlilimos ng ikabubuhay."

===============
Talababaan:
* kabilang sa maka-Islamikong pamantayan, ang pahintulot o permiso ng Islam sa mga bawal na bagay sa oras ng bingit ng kamatayan, sa kondisyon na kukuha lamang ng sapat na ikasasagip ng buhay nang walang labis at walang kulang.

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

No comments: