Monday, July 11, 2016

p30



107. At iyong pakaalamin na ang orihinal at matibay na relihyong Islam ay  ang kapanahunan  na mula sa pagpanaw ng Propeta صلى الله عليه وسلم hanggang sa pagpaslang kay Kalipa Uthman رضي الله عنه. Sapagkat ang pagpaslang ito ang simula at ugat ng pagkahiwa-hiwalay ng  Ummah/kamusliman at nagdulot ng malaking gulo at di-pagkakasundo sa pagitan ng mamamayang muslim, sila'y nagkawatak-watak at ang mga nangaligaw ay tuluyan nang naligaw sa pagsunod nila sa kanilang pansariling kagustuhan at sa pamuti ng mapanlinlang  na mundo.
       Kung kaya, walang sinuman ang may pahintulot na gumawa ng makabagong gawa na hindi isinagawa ng mga Sahabah رضي الله عنهم. At sinumang naghihikayat sa bagay na pinasimunuan ng mga naunang mga ligaw ay maituturing na kabilang sa kanila. At sinuman nagsasagawa nito at pinanghahawakan ito ay tunay na kanyang tinalikdan ang Sunnah ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ang katotohanan, at tumiwalag sa tunay na grupo  — Ahlus  Sunnah Wal Jama-'a—. At kanyang tinugunan ang mga Bid-'a  at tinangkilik ito sa ayaw man niya o sa gusto. Ang Bid-'a na siyang mas matindi pa kay Satanas  ang dulot na kapahamakan sa mamamayang muslim.
108. Ang sinuman ang nakakaalam ng mga Sunnah na nilisan at tinalikdan ng mga nagtataglay ng Bid-'a  at ito ay kanyang isinagawa at pinanghawakan ay siyang nabibilang sa Ahlus Sunnah wal Jama-'a, nararapat na tularan, tulungan, at pangalagaan, sapagkat kabilang siya sa mga tao na itinagubilin ng Propeta صلى الله عليه وسلم na samahan at pakitunguhan.
109. At iyong pakaalamin na ang mga pangunahing Bid-'a /makabagong panrelihyon ay apat na klase. At sa apat na mga ito nagmula ang pitumpu't dalawang grupo, ang bawat grupo ay magkakaroon ng kani-kanilang mga simulain at propaganda hanggang sa aabot sa bilang na isang libo't walóng dáan. At lahat ng mga grupong ito ay ligaw at makakapasok ng Impiyerno maliban sa iisang grupo.
         Sila ang grupo ng katotohanan at sila ang nananampalataya sa nilalaman ng librong ito nang walang pag-aalinlangan  sa kanilang puso at walang pagdududa. Sila ang Ahlus Sunnah wal Jama-'a, ang tanging grupo na makakaligtas sa lahat ng mga pagsubok  -sa kapahintulutan at kagustuhan ng Allah تعالى. 

#transbrbhry296


ترجمه أبو حيان

No comments: