99. At iyong pakaalamin na ang dahilan ng matinding pagkaligáw ng mga grupo ni Jahm bin Safwan o mga Jahmian ay ang panghihimasok nila sa pagkakalikha ni Khaliq (الخالق) - ang tagapaglikha at sa Kanyang mga katangian gamit ang kanilang mga isipan sa pamamagitan ng mga katanungang "bakit" at "paano" at sa pamamagitan ng paghahalintulad sa mga bagay na kanilang nalalaman.* Kung kaya't bilang sanhi nito, marami silang pinasinungalingan sa mga katangian ng Allah تعالى at marami silang binatikos na mga muslim at inalisan ng mga karapatang pang-muslim at kanilang pinaniniwalaan na sinuman ang tumataliwas sa kanilang mga prinsipyo ay hindi na muslim at tuluyan nang nasira ang kanilang pagkamuslim. At ang naging hantungan ng kanilang prinsipyong ito ay ang paniniwala na walang diyos o walang bagay na tinatawag na Diyos.
=================
Talababaan:
* samantalang sinabi ng Allah تعالى :
(يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يُحِيطُونَ بِهِ عِلْمًا)
[سورة طه 110]
Batid ng Allâh تعالى kung anuman ang pangyayari sa hinaharap ng mga tao tulad ng Muling Pagkabuhay at ang anumang nakalipas nang pangyayari hinggil sa makamundong buhay - ang lahat ng mga nangyayari sa kanila ay saklaw ng Kanyang ganap na kaalaman, samantalang hindi Siya kayang abutin ng kanilang kaalaman.
#transbrbhry296
ترجمه أبو حيان
No comments:
Post a Comment