103. At iyong pakaalamin na ang tunay na kaalaman ay hindi nasusukat sa dami ng naisasaulo at dami ng aklat, ngunit ang tunay na maalam ay nasusukat sa kanyang pagsasabuhay sa kaalaman kahit pa kakaunti ang taglay mula sa kaalamang naisaulo at pagmamay-aring aklat, at sa kanyang pagsunod sa katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم. At sinumang sumalungat at sumuway sa katuruan ng Qur'ân at Sunnah ay walang pag-aalinlangan na magtátaglay ng Bid'a/ makabagong panrelihiyon kahit pa nagtataglay ng gabundok na kaalaman at aklat na sangkatutak.
104. At iyong pakaalamin na sinuman ang nais magsalita at magpahayag patungkol sa Islam gamit lamang ang kanyang isipan at paghahalintulad sa mga bagay na kanyang nalalaman nang walang batayan mula sa katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at sa napagkasunduan ng mga Sahabah — ay tunay na kanyang inako ang bagay na wala siyang kinalaman at pawang kasinungalingan hinggil sa Allah تعالى ang kanyang pinagsasasabi. At tunay na siya ay gumagawa lámang ng kasabihan mula sa kanyang sariling kaisipan.
105. At ang katotohanan ay anumang bagay na naipahayag mula sa Allah تعالى. At ang Sunnah ay ang pamamaraan at katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم. At ang Jama'ah / tunay na grupo ay ang pinagkasunduan ng mga Sahabah رضي الله عنهم sa panahon ng mga kalipa, sina Abu Bakr, Umar at Uthman رضي الله عنهم.
106. At sinuman na kanyang panghahawakan ang Sunnah ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ang pamamaraan ng mga Sahabah at sa kanilang napagkasunduan nang may pagkakontento sa mga bagay na ito ay tiyak na magwawagi laban sa lahat ng mga nangaligaw ng landas at nagtataglay ng mga Bid'a at mapapanatag ang kanyang kalooban, at ang kanyang relihiyon ay mapapangalagaan sa kagustuhan ng Allah تعالى. Iyan ang pahayag ng Propeta صلى الله عليه وسلم : "Magkakawatak-watak ang aking Ummah" at kanyang inilantad ang makakaligtas sa pagkakawatak na ito: " Sila ang tumatahak ng aking gabay at pamamaraan at pamamaraan ng aking mga kasamahan/ Sahabah رضي الله عنهم." Iyan ang tamang lunas at malinaw na sagot sa kaligtasan mula sa pagkaligaw. Dahil iyan ang tanging liwánag sa tamang landas.
At sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم : "Iwasan ninyo ang pagmamalabis sa pagdakila ng mga nilalang at ang paghihigpit nang lubusan sa mga kautusan, ngunit panghawakan ninyo ang Islam nang walang labis at walang kulang - ito ang puro at orihinal na relihyon."
#transbrbhry296
ترجمه أبو حيان
No comments:
Post a Comment