29. At kabilang sa pananampalataya ng
Ahlus Sunna wal Jama-a ang pagsunod sa mga pinuno ng mga muslim sa mga bagay na kalugud-lugod sa
Allah تعالى. Ang sinumang naatasan na mamuno at napagkasunduan ito ng piling mga tao ( mga ulama at mga may katungkulan atbp) ay matatawag na
Amirul mu'minin/pangkalahatang pinuno ng mga muslim.
30. Hindi maaari/
haram na lumabas sa grupo ng mga muslim at sumuway sa napagkasunduan nila at manatili ng isang gabi nang walang kinikilalang
Imam/pinuno, maging mabuti man ang pinuno o masama.
31. Mananatili ang pangangasiwa/pamumuno sa
Hajj at
Jihad ng
Imam/pangkalahatang pinuno at gayundin ang pangunguna n'ya sa
Salatul Jumu-'a bilang imam. At isinasagawa pagkatapos ng
Salatul Jumu'a ang anim na rakaat bilang
Ratiba /sunnah ng
Salatul Jumu'a at magtataslim(التسليم) sa bawat dalawang rakaat
* ~
iyan ay batay sa sinabi ni Imam Ahmad bin Hambal رحمه الله.
32. Ang
Khilafah/pangkalahatang pamumuno ay nararapat na pangunahan ng magmumula sa tribo ng
Quraish hanggang sa pagbaba ni Propeta
Isa/Hesus عليه السلام.
33. Ang sinuman na sumuway at lumabas sa itinanghal na
Imam/pinuno ay isang
Khariji/ligaw (bansag sa mga lumalabas sa pamumuno ng
Imam at mapapabilang sa isang ligaw na sekta ng Islam, ang mga
Khariji) at kanyang nilabag ang katuruan ng Islam. At kung sìya ay magpapatuloy sa ganitong sitwasyon at
namatay ay para rin siyang namatay sa kapanahunan ng kamangmangan.
34. At hindi maaari/
haram na pinsalain ang isang pinuno upang patayin at gayundin ang pagsuway/paglabas sa kanyang pamumuno kahit pa ang pinunong itó ay isáng mandaraya hangga't itinatayo niya ang sambahayang. Iyan ang bilin ng Propeta صلى الله عليه وسلم kay
Abu Dharr Algifary رضي الله عنه : "
Magtimpi ka at magtiis kahit pamumunuan kayo ng isang maitim at nakakasuklam na pagmumukha." At gayundin ang sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم sa mga
Ansar :" T
iyak na makakatagpo kayo ng pangungurakot kapag ako ay pumanaw na, magtiis kayo at magtimpi hanggang sa muling pagkikita natin sa aking Hawdh (
balikan ang p6 para sa kahulugan nito)." At walang katibayan, mapa-Qur-an man o hadith na naghihikayat sa pakikipagtayan laban sa
Imam/pinuno dahil sa mga pinsalang idudulot nito, kapinsalaan dito sa mundo at maging sa kabilang-buhay.
35. Maaari/Halal ang pakikipagpatayan laban sa mga Khariji (yaong mga lumabas at sumuway sa pamumuno ng Imam at patuloy na naghihikayat ng iba dahil hindi nila kinilala bilang pinuno ang Imam ). Maaari silang patayin sa utos ng Imam kapag inaabuso na nila ang mga puri't dignidad, buhay at kayamanan ng mga muslim. Ngunit kung hindi naman sila nakakapinsala sa mga muslim ay hindi sila maaaring patayin ng Imam at mananatili silang ligaw sa tamang landas. At hindi rin maaaring kitlin ang isang sugatan mula sa kanila, gayundin ang mga bihag mula sa kanila at maging ang umatras sa labanan at tumakas ay hindi puwedeng sundan upang patayin. At hindi magiging Ganima/ mga nasamsam sa digmaan ( booty of war ) ang kanilang kayamanan pagkatapos ng labanan.
=================
Talababaan:
* ang
school of thought/ ideyang ito ng may-akda ay Hambaly (
mula sa mga pangangaral at ideyolohiya ni Imam Ahmad bin Hambal ) kaya nabanggit nya ang bagay na ito dahil sa kaukulan nito sa
Salatul Jumu'a , ngunit ang mas kilala sa ideya ni Imam Ahmad رحمه الله hinggil dito ay apat na rakaat lamang na magsasalam sa bawat dalawang rakaat.