21. At kabilang sa pananampalataya ng Ahlus Sunnah wal Jama-a, ang paniniwala sa Sirat, isang tulay na madulas at mas manipis sa nipis ng hibla ng buhok at mas matalas/matalim sa talas/talim ng espada at mas mainit sa init ng baga ng apoy at ito ay naroroon sa ibabáw ng Impiyerno, sa pagitan ng impiyerno at paraiso, dudukutin nito ang sinumang ninais ng Allah تعالى at makakatawid nang ligtas ang sinumang kanyang ninais. At ang bawat mananamplataya ay magkakaroon ng liwanag. Ang lakas o hina ng liwanag na ito ay bumabatay sa lakás at tatag ng kanyang pananampalataya o hina nito.
22. At kabilang sa pananampalataya, bagkus kabilang sa mga haligi nito, ang paniniwala sa mga propeta at mga anghel. 23. At ang pananampalataya na ang paraiso ay totoo at ang impiyerno ay totoo at kabilang sa mga nilikha ng Allah تعالى. Ang paraiso ay nasa taas ng ika-pitong palapag ng langit at nasa
ibabaw/bandang itaas ng paraiso ay ang Arsh(العرش)/trono ng Allah سبحانه وتعالى. At ang impiyerno ay nasa ibaba ng ika-pitong palapag ng lupa**. At ang paraiso at impiyerno ay nilikha na at kasalukuyang mayroon na at hinding hindi na mawawala/magugunaw magpakailanman at mananatili ang mga ito kasabáy ng pananatili ng Allah تعالى nang walang hanggan. At alam ng Allah تعالى ang bilang ng mga makakapasok ng paraiso at kung sinu-sino sila at ang bilang ng mga makakapasok ng impiyerno at kung sinu-sino sila.
24. Ang paraisong ito ang pinanggalingan ni Adan/Adam عليه السلام at inilabas lamang siya mula rito nung siya ay nagkasala sa pagsuway sa utos ng Allah سبحانه وتعالى.
25. At ang paniniwala sa bulaang Kristo na kasalukuyang buhay at naroroon sa lugar na walang nakakaalam maliban sa Allah تعالى.
26. At ang paniniwala sa mulìng pagbaba ni Propeta Isa/Hesus عليه السلام upang tapusin at patayin ang bulaang Kristo at ipagpapatuloy ni Propeta Isa عليه السلام ang kanyang buhay na itinakda at mag-aasawa at magsasagawa ng sambahayang/dasal sa likod ni Imam Mahdi - mula sa angkan ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم - at hanggang sa siya ay mamamatay at siya ay ililibing ng mga muslim.
27. At ang paniniwala na ang tunay na pananampalataya ay binubuo ng salita at gawa, ng
Ikhlas/sinsiridad at pagsunod sa katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم. At ang pananampalatayang ito ay tumataas/nadaragdagan sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan ng Allah تعالى at bumababa/nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway sa Kanya. Tumataas hanggang sa taas na nanaisin ng Allah تعالى at bumababa hanggang sa tuluyang malusaw ang pananamplatayang ito at wala nang matira sa kanyang puso.
================
Talababaan:
** ang mga bagay na ito ay kabilang sa mga bagay na nararapat isuko at hindi na sinisiyasat at sinusuri pa. Sapagkat kung ang lakas at kakayahan ng ating katawan ay may limitasyon at hindi kayang buhatin ang bagay na singbigat ng bundok, gayundin ang kakayahan ng ating mga isipán na hindi kayang abutin ang anuman na lálampas sa kanyang limitasyon. Katulad na lamang "Kung bakit ang Fajr ay dalawang rakaat at ang dhuhur ay apat?" . At ang matinding halimbawa ay ang bagay na siyang pinakamalapit sa atin, bagkus ay nasa ating katawan, ang ating kaluluwa kung saan walang dalubhasa hanggang sa ngayon ang makapagsasabi sa tunay na anyo at katangian nitò ~at hindi kailanman nila kayang malaman ang tungkol sa bagay na ito dahil ito ay inako mismo ng Allah تعالى sa kanyang sarili at maging ang Propeta صلى الله عليه وسلم ay hindi pinahintulutan na malaman ito~.


No comments:
Post a Comment