69. At kung iyong mapag-alaman na may isang muslim na bumabatikos sa mga Sunnah/katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم na siyang ipinaabot sa atin ng mga Sahabah رضي الله عنه at hindi niya ito tinanggap o kaya'y kanyang pinasisinungalingan alinman sa kanyang mga katuruan, alamin mo na ang tao na iyan ay may malaking pagkukulang sa kanyang relihiyon, may maling pananaw at pinaninindigan*. Ang kanyang pagbatikos kay Propeta صلى الله عليه وسلم at sa kanyang kasamahan ay sa kadahilanan na sa pamamagitan nila nakilala natin ang Allah تعالى at ang kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم at nalaman nàtin ang Qur~an at nalaman nàtin ang mabuti at masama, ang tunay na anyo ng mundo at ng Paraiso. At ang pagbatikos sa kanila ay siyang pagbatikos sa relihiyong Islam.
70. Ang Qur-an ay mas higit na nangangailangan sa Sunnah kaysa sa Sunnah ang mangangailangan sa Qur-an.
71. At ang pakikipagbangayan at pakikipagtalakayan pahinggil sa Qadar/nasa kapalaran o naka-tadhana ay mahigpit na ipinagbabawal sa lahat magíng ang mga sugó at propeta عليهم السلام ay hindi pinahintulutan na panghimasúkan ang bagay na ito. At siya ring ipinagbawal ng Propeta صلى الله عليه وسلم at iniiwasan ng mga Sahabah رضي الله عنهم at gayundin ng mga henerasyon na sinundan nila at ng mga paham na eskolar. Tunay na kanilang ipinagbawal ang pakikipagtalakayan hinggil sa Qadar. Ang tanging nararapat sa iyo bilang muslim ay ang ganap na pagsuko at pagtalima, pananampalataya at paniniwala sa Qadar/ naka-tadhana at sa anumang ipinarating ng Propeta صلى الله عليه وسلم ukol dito at tumahimik na lamang sa bagay na hindi na ipinaalam sa atin ng Allah تعالى at ng kanyang Propeta صلى اللــه عليه وسلم.
72. Ang pananampalataya na si Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم ay itinaas sa langit hanggang sa kanyang natuntong ang trono ng Allah تعالى at kanya ring nakausap ang Allah تعالى at nakapasok ng Paraiso at nasilip ang Impiyerno, at kanya ring nakita ang mga anghel sa tunay nilang anyo at pagkakalikha, at kanya ring narinig ang salita ng Allah تعالى at tinipon para sa kanyang karangalan ang mga piling sugo at propeta عليهم الصلاة والسلام at sila ay nagbigay-pugay at bumati sa kanya صلى الله عليه وسلم, at kanya ring napagmasdan ang trono ng Allah تعالى at lalagyanan ng Kanyang mga paa at lahát ng mga nakapaligid sa mga ito at lahat ng mga nasa kalangitan at nasa kalupaan. Ang lahat ng mga ito ay kanya mismong napagmasdan ng kanyang mga mata nang gising at hindi sa kanyâng panaginip lamang gaya ng pinaniniwalaan ng iba. Inilakbay siya ni Anghel Jibril sa kalangitan gamit ang Buraq**. Sa dakilang gabing yaon isinabatas ang Salah/sambahayang. At nangyari ang mga ito bago naganap ang kanyang paglikas patungong Madinah.
73. At iyong paka-alamin na ang kaluluwa ng mga mártir ng digmaan/Jihad ay mapapasaloob ng mga kulay berdeng ibon na mamamasyal sa Paraiso at babalik sa mga lamparang nakasabit sa trono ng Allah تعالى na magsisilbing kanilang mga tahanan. At ang mga kaluluwa naman ng mga di-mananampalataya ay nasa pinakababa at ilalim ng ika-pitong palapag ng lupa.
====================
Talababaan:
* sila ang mga Khariji/kariyismo (kharijite sa Ingles), mga Jahmiy/Jahmian o alagad ni Jahm bin Safwan at mga Sufi.
**isang hayop na kay-tulin ang takbo at ang kanyang isang hakbang ay umaabot hanggang sa dulo ng kanyang natatanaw .

ترجمه أبو حيان
No comments:
Post a Comment