95. At iyong pakaalamin na ang Mut-'a* at anumang paglalang - upang maisagawa lang ang isang bawal at hindi mapagtanto ng iba ang pagkabawal nito - ay haram at hindi na magbabago hanggang sa Araw ng paghuhukom.
96. At nararapat mong malaman ang kalamangan ng mga angkan ni Hashim dahil sa relasyon nila kay Propeta صلى الله عليه وسلم. Gayundin ang kalamangan ng mga angkan ng Quraysh at ng mga Arabo dahil sa kanila nagmula ang Propeta صلى الله عليه وسلم at lahat ng kanilang tribo. Alamin mo rin ang mga karapatan ng bawat isa sa kanila at ang nararapat na pakikitungo sa kanila bilang mga muslim. At gayundin ang mga naging alipin nila na kanilang pinalaya at binili. At ang karapatan ng bawat muslim ay nararapat na pahalagahan.
At iyong alamin ang kabutihan at kalamangan ng mga Ansar** رضي الله عنهم at ang tagubilin ng Propeta صلى الله عليه وسلم sa kanila. *** At huwag kalimutan ang mga pamilya ng Propeta صلى الله عليه وسلم bagkus, alamin din ang kanilang mga kalamangan at kanilang mga pambihirang karanasan. At gayundin ang kalamangan ng mga naging kapit-bahay ng Propeta صلى الله عليه وسلم sa Madina.
====================
Talababaan:
* ang pag-aasawa sa limitado at bilang na panahon at tuluyang paghihiwalay sa napagkasunduan at itinakdang panahon -panandaliang pag-aasawa.
** sila yaong mga nagbuwis ng kanilang mga buhay at kayamanan kapalit ng kaligtasan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at kumanlong sa kanila nung sila ay lumikas mula Makkah.
*** ito ang sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم : " Ang tanging magmamahal sa mga Ansar ay sila yaong tunay na mananampalataya. At ang mga nasusuklam sa kanila ay yaong mga Munafiq/ hipokrito o mapagbalatkayo."
No comments:
Post a Comment