Wednesday, September 30, 2015

p22

93. At ang pananampalataya na ipinaalam ng Allah تعالى at ipinakita sa Kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم ang mga mangyayari sa kanyang Ummah/nasyon hanggang sa huling araw ng mundo - Araw ng Paghuhukom.

94. At iyong pakaalamin na sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم : "Magkakahiwa-hiwalay ang aking nasyon sa pitumpu't tatlong grupo. Ang pitumpu't dalawang grupo ay mapapasa-kanila ang Impiyerno. At ang natitirang grupo ay mapapasa-kanila ang Paraiso. At sila ang Jama-a ang tunay na grupo na magwawagi." At nung tinanong ang Propeta صلى الله عليه وسلم kung sinu-sino ang tunay na grupong yaon, siya ay nagwika: "Sila yaong mga tumatahak sa akíng pamamaraan at pamamaraan ng aking mga kasamahan. "

     At sila ay patuloy na nanatili sa pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم hanggang sa panahon ni Umar bin Khattab at maging sa panahon ni Uthman bin Affan رضي الله عنهما. At noong pagkamatay ni Uthman رضي الله عنه, nagkaroon na ng mga di-pagkakaunawaan at mga makabagong panrelihiyon, at nagkahiwa-hiwalay na ang mga muslim at nagsimula nang magkaroon ng mga grupo at kani-kanilang propaganda.

      At sa mga panahong ito, mayroon pa ring mga muslim na nanatili at pinanghawakan ang pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ng kanyang Sahabah at patuloy na ipinamamahagi ang pamamaraang ito.

      At hindi pa lubhang lumala ang naturang sitwasyon hanggang sa dumating ang Dinastiyang Abasida dahil nabago ang panahon at bumaliktad ang karamihan sa mga muslim, kumalat ang mga Bid'a/makabagong panrelihiyon at dumami ang mga nagpapalaganap ng mga ito taliwas sa pamamaraan ng Ahlus Sunnah wal Jama-a. At mas lalong patindi nang patindi ang mga pagsubok lalong higit sa mga bagay na hindi naman binigyan pansin ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ng Sahabah dahil sa pagkahayag o katanyagan nito sa karamihan. Ang bawat grupo ay nananawagan sa kani-kanilang propaganda -ang ganitong pagkahiwa-hiwalay ay ipinagbawal ng Propeta صلى الله عليه وسلم -. Kung kaya marami sa mga muslim ang nangaligaw sa pamamagitan ng panunuhol sa kanila gamit ang mga maka-mundong bagay at pananakot sa kanila at pagpapahirap sa sinumang susuway sa kanilang kagustuhan. At kung kaya tila naglaho ang Sunnah at ang mga taga-pangalaga nito dahil sa bilis ng pagkalat ng mga Bid'a/makabagong panrelihiyon -kusa silang nakalabas ng Islam sa maraming paraan náng hindi nila namamalayan - at kanilang ginawang hukom ang kanilang utak at pag-iisip. Anuman ang hindi kayang maabot ng kanilang utak ay kanilang pinasisinungalingan, at tinatangggap lamang ang anumang kayang abutin ng isipan.

        Bilang resulta, naging kakaiba at di-katanggap-tanggap ang Islam at ang Sunnah sa kanila, at yaong mga pinanghahawakan nila ang Sunnah/pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay naging mga ekstranyo at namumuhay na parang hindi kabilang sa mga mamayang muslim.


ترجمه أبو حيان

Tuesday, September 29, 2015

p21

87. At iyong pakaalamin na ang unang haligi ng Islam ay ang Shahadata-ni/pagsaksi na walang ibang diyos na karapat-dapat pagtuunan ng pagsamba maliban sa Allah تعالى at ang pagsaksi na si Muhammad صلى الله عليه وسلم ay sugo at propeta ng Allah تعالى.
88. At iyong pakaalamin na ang lahat ng salita at sinabi ng Allah تعالى ay pawang katotohanan. Lahat ng Kanyang pangako ay matutupád at lahat ng Kanyang babala ay makatotohanan.
89. At kabilang din sa pananampalataya ng Ahlus Sunnah wal Jamaa ay ang pananampalataya sa lahat ng mga batas na isinabatas ng Allah تعالى.
90. At ang pananampataya na ang pagbebenta at pamimili ay Halal/pinahintulutan ng Allah تعالى kapag ang mga ito ay naipasok na sa pamilihan ng mga muslim at sumasang-ayon sa mga batas-Islamiko na napapaloob sa Qur-an at Sunnah nang walang halong panloloko at pandaraya o anumang taliwas sa katuruan ng Qur-an.
91. At iyong pakaalamin - kaawaan ka nawa ng Allah تعالى - na ang isang tunay na mananampalataya ay nararapat na mamuhay sa kanyang pagsamba sa Allah تعالى sa pagitan ng pangamba at pag-asa, may pangamba na hindi marahil tatanggapin ang kanyang mga gawaing pagsamba dahil sa kanyang mga kasalanan at pagkukulang na nagawa, at may pag-asa na marahil ito ay tatanggapin ng Allah تعالى dahil sa Kanyang awa, kagandahang-loob at pagmamahal sa Kanyang alipin; dahil lingid sa kanyang kaalaman kung papaano siya mamamatay, kung ano nga ba ang kahuli-hulihang nakatadhana sa kanya at kung ano ang mangyayari sa kanya sa harap ng Allah تعالى sa Araw ng Paghuhukom. - kahit pa siya ay masugid sa paggawa ng mga kabutihan.
92. At nararapat sa isang nagkasala na huwag mawalan ng pag-asa sa Allah تعالى lalong higit sa oras na siya ay babawian na ng buhay, bagkus ay ipagbuti niya ang kanyang pagkakilala sa Allah تعالى at huwag niyang pag-isipan ng masama, - pag-asa na papatawarin siya ng Allah تعالى dahil sa lawak ng Kanyang awa, na may kalakip na pangamba dahil sa kanyang mga kasalanan. Kung sakali man siya ay kaawaan ng Allah تعالى at papatawarin, ito ay dahil na rin sa kagandahang-loob ng Allah تعالى. At kung sakali man siya ay paparusahan ng Allah تعالى, ito ay dahil sa siya ay nagkasala na nararapat parusahan.


ترجمه أبو حيان

Saturday, September 26, 2015

p20

84. Ang paniniwala na ang Allah تعالى ay Kanyang paparusahan ang mga nagkasala mula sa Kanyang mga nilalang sa loob ng naglalagablab na apoy ng Impiyerno nang nakagapos at nakakadena at ang parusang apoy ay manunuot sa loob ng katawan, paiinumin at pakakainin mula sa apoy at napapaligiran ng apoy, mula sa kanilang itaas hanggang ibaba.
    Hindi tulad sa pinaniniwalaan ni Hisham Alfutiy na kanyang sinasabi na hindi magpaparusa ang Allah gamit ang apoy ng Impiyerno ngunit Siyâ ay lilikha ng mga parusa sa loob ng Impiyerno. Alalaong bagá, hindi ang apoy ang nakakasunog bagkus ang Allah تعالى ang siyang susunog sa kanila at hindi ang apoy, ngunit sa apoy lang sila susunugin at hindi ang apoy ang mismong nakakasunog.
      At ito ay isang pagbabatikos sa Allah تعالى at sa Kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم.
85. At iyong pakaalamin na ang mga obligadong Salah ay lima lamang at hindi maaaring dagdagan o bawasan sa mga napag-alaman na haligi nito, bilang at pamamaraan. At ang Rakaat/pagtayo nito sa panahon ng paglalakbay ay tig-dadalawa lamang maliban sa Magrib.
     Sinuman ang naniniwala na ang mga ito (obligadong Salah) ay hindi lamang lima bagkus ay sobra sa lima ó apat lang ay tunay na naligaw at nakagawa ng maka-bagong panrelihiyon/Bid'a.
     At hindi magiging katanggap-tanggap ang mga ito hanggang sa ang mga ito ay maisagawa sa takda nitong oras. Maliban na lamang sa mga sumusunod :
1- Kung nakalimutan ang mga ito. - kung kaya'y nararapat sa kanya na isagawa ito sa oras na kanyang maalala.
2- Kung naglalakbay. - nasa-sakanya kung nais niyang ipunin ang dalawang sambahayang/Salah* sa iisang oras o hindí.

86. At ang pangatlong haligi ng Islam, ang obligadong pagkakawang-gawa/Zakah ay magmumula sa mga sumusunod:
1- ginto ( gold) **
2- pilak ( silver) **
3- partikular na mga pananim i.e.  ( palay/bigas, mais, atbp.) ***
4- partikular na mga hayop i.e. ( kamelyo, baka at kambing)
5- tubo o kita ( business income )
      Ang mga nabanggit ay ayon sa katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم.
      Maaari itong ipamigay/ipamahagi ng may-ari o kaya naman ay ipaubaya na lamang sa kanyang imam.

===============
Talababaan:
* i.e. Dhuhur at Asr, Magrib at Isha. - tulad ng Dhuhur at Asr, itong dalawa ay maaari isagawa sa oras ng Dhuhur o kaya nama'y sa óras ng Asr.
** kabilang na rito ang mga salapi/pera pwera sa mga alahas na ginagamit bilang palamuti/pamuti
*** at iba pa na nagsisilbing pangunahing pagkain at naiimbak nang matagal tulad ng barli o sebada at monggo.


ترجمه أبو حيان

Friday, September 25, 2015

p19

81. At iyong paka-alamin na ang pagbabalita sa oras ng kamatayan ay tatlong klase:

          l- "Magandang balita sa'yo O ikaw na minamahal ng Allah تعالى, mapapasaiyo ang habág ng Allah at ang Kanyang Paraiso."

          ll- "Masamang balita sa'yo O ikaw na kinamumuhian ng Allah تعالى! Mapapasaiyo ang galit ng Allah تعالى at ang Kanyang Impiyerno."

         lll- "Magandang balita sa'yo O alipin ng Allah تعالى! Mapapasaiyo ang Paraiso ng Allah تعالى pagkatapos ng iyong kumpletong pagsuko at pagtalima sa kagustuhan ng Allah تعالى."

Ito ang sinabi ni Ibn Abbas رضي الله عنه.

82. Ang pananampalataya na makikita ang Allah تعالى sa Paraiso ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng kanilang mga mata gaya ng sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم : "Inyong makikita si Rabb ang inyong tagapaglikha katulad ng inyong pagkakita sa buwan sa kanyang kabilugan nang hindi kayo nagsisiksíkan."

    Ang sinuman pasinungalingan ang bagay na ito ay tunáy na tinalikuran ang kanyang pagiging mananampalataya. *

83. At iyong paka-alamin na ang pagkukunwaring-banal/hipokrito, di-pananampalataya, pag-aalinlangan, maka-bagong panrelihiyon, at pagkaligaw, ang lahat ng mga ito ay sanhi ng masuri at malalim na pag-aaral patungkol sa mga katangian ng Allah تعالى at pakikipagbangayan hinggil dito at diskusyon at pakikipagtalo ukol dito. Sinabi ng Allah تعالى:

                   {ما يجادل في آيات الله إلا الذين كفروا}

Sa malapit nitong pakahulugan: Walang nakikipagtalo hinggil sa mga talata ng Dakilang Qur’ân at  mga katibayan nito sa  Kaisahan ng Allâh (تعالى) at maging sa kanyang mga katangian at mga pangalan,  na tinatapatan nito ang kamalian  maliban sa  mga tumanggi na tinanggihan ang Kanyang Kaisahan at yaong lubusang gumagawa ng mga bagay na ikápapahamak nila dito sa mundo at lalong higit sa kabilang buhay.

     Kung kaya ay nararapat na paniwalaan at tanggapin nang lubos at walang halong pag-aalinlangan ang mga katibayan at palatandaan mula sa Qur'an at Sunnah at malaman kung hanggang saan ang limitasyon ng ating kakayahan/lakas at diwa at tumahimik na lamang nang may kumpletong pagsuko at pagtalima.


================

Talababaan:

* ang nabanggit na wastong pagkakasunud-sunod ng mga makakakita sa Allah تعالى tulad ng nabanggit sa orihinal na aklat ay nangangailangan ng malinaw at matibay na katibayan.


ترجمه أبو حيان

p18

74. Ang paniniwala na ang isang patay ay papaupuin sa kanyang libingan pagkatapos maibalik sa kanya ang kanyang kaluluwa at siya tatanungin ng dalawang anghel na nagngangalang Munkar at Nakir patungkol sa kanyang tagapaglikha, kanyang relihiyon at kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم at pagkatapos huhugutin muli sa kanya ang kanyang kaluluwa nang walang halong sakit. At makikilala ng isang patay ang sinumang bumibisita sa kanya. At magagantimpalaan ang isang mananampalataya sa kanyang libingan at mapaparusahan ang isang makasalanan sa parâan na nanaisin ng Allah تعالى.

75. At paka-alamin na lahat ng mabuti at masama ay itinadhana at itinakda ng Allah تعالى.

76. Ang pananampalataya na ang Allah تعالى mismo ang kumausap kay Propeta Musa عليه السلام sa itinakdang pagkikita sa Bundok ng Tur/Senai habang si Musa عليه السلام ay kanyang naririnig ang boses ng Allah تعالى na galing mismo sa Allah تعالى  at hindi gaya ng pinaniniwalaan ng iba na ito ay mula sa ibang bagay na Kanyang nilikha --- tunay na ang bagay na ito ay tanda ng di-pananampalataya at paratang sa kakayahan at katangian ng Allah تعالى bilang isang diyos at taga-paglikha.

77. At ang utak ay nilikha ng Allah تعالى kasabay ng kanyang kapanganakan. At siya ay ipinagkalooban ng Allah تعالى ng utak ayon sa Kanyang nais. At silang napagkalooban nito ay nagkakaiba-iba tulad ng pagkakaiba ng mga nilikha sa kalangitan. At ang mga kautusan at pagbibigay-gantimpala ay nakasalalay sa antas ng kanyang utak. At ito ay hindi namamana at nakakamit sa pamamagitan ng pagsasanay bagkús ito ay bigáy ng Allah تعالى mula sa Kanyang kagandahang-loob.

78. At paka-alamin na ang Allah تعالى ay kanyang ginawang magkakaiba ang antas ng mga nilikha dito sa mundo at sa kabilang buhay nang makatarungan. At hindi maaaring sabihin na Siya ay hindi naging makatarungan sa kanyang nilikha dahil ginawa nya ang iba na mayayaman at ang iba nama'y mahihirap. Sapagkat sinuman na kanyang pinaniniwalaan na marapat na maging patas at makatarungan ang pakitungo at pagtingin ng Allah تعالى sa lahat ng kanyang mga alipin mapa-mananampalataya man o hindi ay tunay na naligaw ng landas. Ngunit ang Allah تعالى ay mas nagmamagandang-loob sa isang mananampalataya kaysa sa isang suwail at di-mananampalataya. Sapagkat iyan ang tunay na katarungan sa pagitan nila kung saan Kanyang binibigyan ng kagandahang-loob ang sinuman nararapat na pagkalooban nito at ayon sa kanyang nanaisin at gayundin Kanyang pinagkakaitan ang sinumang nararapat na pagkaitan nito.

79. At kabilang sa paninindigan ng Ahlus Sunnah wal Jama-a, obligado sa bawat isa na maging tapat at may-mabuting asal sa kanyang pakikitungo sa kanyang kapwa muslim maging anuman ang kanyang antas at kalagayaan, maging mabuting muslim o masama lalong higit sa mga bagay na may kaukulan sa relihiyong Islam. Ang sinuman ang maging taliwas sa mga bagay na ito ay tunáy na nagtakwil at dinaya ang kanyang mamamayang muslim, at sinuman na kanyang pinagtaksilan ang kapwà muslim ay tunay na nagtaksil sa kanyang Relihiyon, at sinuman na kanyang pinagtaksilán ang kanyang relihiyon ay tunay na nagtaksil sa Allah تعالى at Kanyang sugo صلى الله عليه وسلم at sa mga mananampalataya.

80. At ang Allah تعالى, Siya si Sami'(سميع) ­ ang ganap na nakakarinig ng lahat ng bagay, lantad man o lingid, at siya si Basir (بصير)­ ang ganap na nakakakita at si Alim (عليم), ang higit na nakakaalam ng lahat ng bagay magíng lantad man o hindi, laging bukas ang Kanyang mga (dalawang) kamay sa lahat ng mga pangangailangan ng kanyang alipin, alam ng Allah تعالى na susuwayin Siya ng Kanyang mga nilikha bago pa man sila nilikha, walang bagay ang hindi saklaw ng Kanyang kaalaman. Bagama't hindi ito naging balakid upang sila ay gabayan tungo sa relihiyong Islam. At ito ay ipinagkaloob sa kanila dahil sa Kanyang kabaitan at kagandahang-loob. Kaya sa Kanya lamang natatangi ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat.



ترجمه أبو حيان

Wednesday, September 23, 2015

p17

69. At kung iyong mapag-alaman na may isang muslim na bumabatikos sa mga Sunnah/katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم na siyang ipinaabot sa atin ng mga Sahabah رضي الله عنه at hindi niya ito tinanggap o kaya'y kanyang pinasisinungalingan alinman sa kanyang mga katuruan, alamin mo na ang tao na iyan ay may malaking pagkukulang sa kanyang relihiyon, may maling pananaw at pinaninindigan*. Ang kanyang pagbatikos kay Propeta صلى الله عليه وسلم at sa kanyang kasamahan ay sa kadahilanan na sa pamamagitan nila nakilala natin ang Allah تعالى at ang kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم at nalaman nàtin ang Qur~an at nalaman nàtin ang mabuti at masama, ang tunay na anyo ng mundo at ng Paraiso. At ang pagbatikos sa kanila ay siyang pagbatikos sa relihiyong Islam.


70.  Ang Qur-an ay mas higit na nangangailangan sa Sunnah kaysa sa Sunnah ang mangangailangan sa Qur-an.


71. At ang pakikipagbangayan at pakikipagtalakayan pahinggil sa Qadar/nasa kapalaran o naka-tadhana ay mahigpit na ipinagbabawal sa lahat magíng ang mga sugó at propeta عليهم السلام ay hindi pinahintulutan na panghimasúkan ang bagay na ito. At siya ring ipinagbawal ng Propeta صلى الله عليه وسلم at iniiwasan ng mga Sahabah رضي الله عنهم at gayundin ng mga henerasyon na sinundan nila at ng mga paham na eskolar. Tunay na kanilang ipinagbawal ang pakikipagtalakayan hinggil sa Qadar. Ang tanging nararapat sa iyo bilang muslim ay ang ganap na pagsuko at pagtalima, pananampalataya at paniniwala sa Qadar/ naka-tadhana at sa anumang ipinarating ng Propeta صلى الله عليه وسلم ukol dito at tumahimik na lamang sa bagay na hindi na ipinaalam sa atin ng Allah تعالى at ng kanyang Propeta صلى اللــه عليه وسلم.


72. Ang pananampalataya na si Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم  ay itinaas sa langit hanggang sa kanyang natuntong ang trono ng Allah تعالى at kanya ring nakausap ang Allah تعالى at nakapasok ng Paraiso at nasilip ang Impiyerno, at kanya ring nakita ang mga anghel sa tunay nilang anyo at pagkakalikha, at kanya ring narinig ang salita ng Allah تعالى at tinipon para sa kanyang karangalan ang mga piling sugo at propeta عليهم الصلاة والسلام at sila ay nagbigay-pugay at bumati sa kanya صلى الله عليه وسلم, at kanya ring napagmasdan ang trono ng Allah تعالى at lalagyanan ng Kanyang mga paa at lahát ng mga nakapaligid sa mga ito at lahat ng mga nasa kalangitan at nasa kalupaan. Ang lahat ng mga ito ay kanya mismong napagmasdan ng kanyang mga mata nang gising at hindi sa kanyâng panaginip lamang gaya ng pinaniniwalaan ng iba. Inilakbay siya ni Anghel Jibril sa kalangitan gamit ang Buraq**. Sa dakilang gabing yaon isinabatas ang Salah/sambahayang. At nangyari ang mga ito bago naganap ang kanyang paglikas patungong Madinah.


73. At iyong paka-alamin na ang kaluluwa ng mga mártir ng digmaan/Jihad ay mapapasaloob ng mga kulay berdeng ibon na mamamasyal sa Paraiso at babalik sa mga lamparang nakasabit sa trono ng Allah تعالى na magsisilbing kanilang mga tahanan. At ang mga kaluluwa naman ng mga di-mananampalataya ay nasa pinakababa at ilalim ng ika-pitong palapag ng lupa.


====================

Talababaan:

* sila ang mga Khariji/kariyismo (kharijite sa Ingles), mga Jahmiy/Jahmian o alagad ni Jahm bin Safwan at mga Sufi.

**isang hayop na kay-tulin ang takbo at ang kanyang isang hakbang ay umaabot hanggang sa dulo ng kanyang natatanaw .


ترجمه أبو حيان

p16

63. At ang pananampalataya na sa bawat patak ng ulan mula sa langit ay may mga anghel na naitalagang magdadala nito saanman ito naatasang ilagay.
64. At ang paniniwala na ang mga nangamatay sa digmaan ng Badr mula sa mga di-mananampalataya ay kanilang narinig ang Propeta صلى الله عليه وسلم noong sila ay kinausap ng Propeta صلى الله عليه وسلم gayung sila ay bangkay at nakabaon na sa lupa.
65. At ang paniniwala na kapag nagkasakit ang isang muslim ay magagantimpalaan sa kanyang sakit.
66. At gayundin ang isang martir ng digmaan/Jihad sa kanyang pagkamatay.
67. At ang paniniwala na ang mga bata dito sa mundong ibabaw ay nakararanas din ng sakit. Hindi gaya ng sinasabi ni Bakr bin Abdul Wahid* na sila ay hindi nasasaktan. At ito ay kasinungalingan.
68. At ang paniniwala na walang sinuman ang makakapasok ng Paraiso maliban sa siyang kaawaan ng Allah تعالى at hindi Niya paparusahan ang sinuman maliban sa kanyang pagkakasala batay sa kanyang nagawang kasalanan. At kung sakali man na Kanyang paparusahan ang lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan mapa-mabuti man sila o masama ay hìndî ito matatawag na pandaraya dahil ang pandaraya ay yaong paparusahan niya ang hindi sa kanya at hindi niya pag-aari. Ngunit ang Allah تعالى siya ang nagmamay-ari ng lahat at siya ang masusunod sa lahat ng kanyang nais. Siya ang nagmamay-ari sa mundo at sa kabilang buhay. Kung kaya ay hindi nararapat na tatanungin Siya sa lahat ng kanyang ginagawa ngunit karapatan niya na tayo ang tatanungin sa ating mga gawain. Hindi Siya maaaring tanungin kung bakit at paano Niya ginawa. Ang nararapat sa atin ay ang kumpletong pagsuko at pagtalima sa kanyang kagustuhan.

================
Talababaan:
*sinasabing siya ay isang khariji/kariyismo (kharijite sa Ingles).


ترجمه أبو حيان

Tuesday, September 22, 2015

p15

59. At ang paniniwala na makakamit ng bawat nilikha (mapatao man o mapahayop at maging ang mga insekto) ang hustisya (Qisas) sa Araw ng Paghuhukom, maging ang langgam sa langgam, taga-paraiso sa taga-impiyerno at taga-impiyerno sa taga-paraiso.
60. Ang sensiridad ng mga gawaing pagsamba para sa Allah تعالى at kalakip nito ang pagka-alinsunod nito sa pamamaraan ng Propeta صلى الله عليه وسلم.
61. At ang pananampalataya sa Qadar/lahat ng bagay na itinakda at itinadhana ng Allah تعالى maging mabuti man ito o masama, at pagtanggap nito nang may kaluguran at pagsuko sa kagustuhan ng Allah تعالى. At ang pagtitimpi at pagtitiis sa mga hirap at dalita na nakatadhana. At ang pananampalataya sa lahat ng mga ipinarating ng Allah تعالى at nababatid Niya ang lahat ng gawain ng Kanyang nilalang at ang kanilang paroroonan/hantungan. Bagkus lahat ng nasa kalupaan at kalangitan ay Kanyáng nababatid. At iyong pakaalamin na anuman ang nakatadhana sa iyo ay iyong makakamtan anuman ang mangyari at anumang hindi sa'yo ay hindi mapapasaiyo kailanman. At lahat ng iyán ay nilikha ng Allah تعالى maging ang gawain ng isang alipin.
62. Ang takbeer sa isang bangkay ng muslim sa pagsasagawa ng Salah sa kanya ay apat na takbeer. Iyan ang pinili nina Imam Malik bin Anas, Sufyan Aththawry, Hasan bin Salih, Imam Ahmad bin Hambal at ng mga paham na eskolar. At siya ring ginawa ng Propeta صلى الله عليه وسلم.

ترجمه أبو حيان

p14

56. At kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at umabot na ito sa tatlong beses, mahigpit nang ipinagbabawal sa kanya na makipagbalikan sa babae hangga't siya ay pangasawahin ng ibang lalaki at matapos hiwalayan nito.

57. At mahigpit na ipinagbabawal ang pagkitil ng buhay na isang muslim na sumasaksi sa kaisahan ng Allah تعالى at sa pagkapropeta ni Propeta
Muhammad صلى الله عليه وسلم maliban sa tatlong sitwasyon:
1- ang pakikiapid pagkatapos maikasal sa kanyang asawa
2- ang paglabas mulâ sa relihiyong Islam pagkatapos niyang manampalataya
3- ang pagpaslang ng isang muslim
Maliban sa tatlong sitwasyong ito ay mananating protektado ang buhay ng isang muslim hanggang sa Huling-araw.

58. At ang lahat ng bagay na nakatakdang maglaho ay maglalaho sa araw ng Paghuhukom maliban sa mga bagay na ninais ng Allah تعالى na manatili tulad ng Paraiso at Impiyerno, ang trono ng Allah تعالى, ang kanyang Kursiy/lalagyanan ng kanyang dalawang paa, trumpeta ni Anghel Israfil, ang panulat/pen (na nilikha ng Allah تعالى at inutusang sulatin ang lahat ng mga kaganapan bago pa nilikha ang mga kalangitan at kalupaan), at gayundin ang tálaan nito. At muling bubuhayin ng Allah تعالى ang mga nilalang (mapa tao't mapa-hayop) sa Araw ng Paghuhukom ayon sa kanilang pagkamatay* at dadaan sa mga katanungan at pagsusuri sa kanilang mga gawa o pagkukuwenta hanggang sa lalantad ang dalawang grupo: grupo na tutungo sa ‘Jannah’/Paraiso,at isang grupo naman sa kanila ay tutungo sa Impiyerno na naglalagablab. At sasabihin sa mga natitirang nilalang na hindi itinakdang manatili pagkatapos nilang mabigyan ng hustisya(i.e. mga hayop): "Maging alabók kayo." at sila ay magiging alabok.

=========================
Talababaan:
* tulad ng isang Shahid/martir ng digmaan (Jihad) na muling bubuhayin nang walang pagbabago sa kanyang mga sugat at galos, duguan na ang dugo ay kulay pula ngunit ang halimuyak nito'y animo'y pabangong musk.


ترجمه أبو حيان

Sunday, September 20, 2015

p13



51. At sinuman na kanyang pinaniniwalaan na ang Allah تعالى ay maaaring makita dito sa mundo ay kanyang pinasinungalingan ang Allah تعالى sa kanyang sinabi sa Qur-an
( ۚ قَالَ لَنْ تَرَانِي )
[سورة اﻷعراف 143]
Hindi  mo  Ako  makikita (i.e. hindi mo Ako makakayanang  makita,  dito  sa daigdig)".

52. At ang pagninilay sa mga katangian ng Allah تعالى ay bid'a at isang kaligawan. Datapwa't ang patnubay ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay nasa kanyang sinabi:"Inyong pagnilay-nilayan ang mga nilikha at huwag pagnilay-nilayan ang Tagapaglikha. " Dahil ito ay magdudulot lamang ng pagdududa at pag-aalinlangan sa Allah تعالى.

53. At lahat ng mga hayop ~ mapa-insekto o mapa-amo man o mapa-ilahas na hayop ~ ay nasasaklaw ng utos ng Allah تعالى , hindi sila gumagawa ng isang bagay maliban na lamang na ito ay naaayon sa utós at pahintulot ng Allah تعالى.

54. Ang paniniwala na ang Allah تعالى ay batid niya ang lahat ng bagay bago pa man ito nilikha at kung ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos malikha at kahahantungan nito sa araw ng pagbabalik sa Lumikhâ at maging ang mga bilang nito. At sinuman na kanyang pinaniniwalaan na ang Allah تعالى ay nababatid niya lamang ang mga nangyari at nangyayari at hindi nababatid ang mga mangyayari sa hinaharap ay kanyang pinasinungalingan ang Allah تعالى at ang kanyang kakayahan .

55. At hindi maituturing na tama at balido ang isang kasal kung wala ang Waliy/tumatayong guardian ng babae* at dalawang saksi na may kagandahang ásal Islamiko at dote** marami man ito o kaunti. At kung sakaling walang karapat-dapat na tumayo bilang gardyan ng babae, tatayo bilang kanyang gardyan ang kinikilalang Imam/pinunong muslim sa kanilang lugar.

=======================
Talababaan:
*Ang maaaring tumayo bilang gardyan ng isang babae ay ang mga sumusunod nang may pagkasunud-sunod:
1- kanyang tatay
2- kanyang lolo pataas
3- kanyang anak pababa
4- kanyang kapatid sa tatay at nánay (both sides)
5- kanyang kapatid sa tatay (father side)
6- kapatid ng kanyang tatay sa tatay at nánay (both sides)
7- kapatid ng kanyang tatay sa tatay ( father side)
8- anak ng kanyang uncle sa tatay (uncle = kapatid ng kanyang tatay from both sides ) = pinsan na lalaki
9- anak ng kanyang uncle sa tatay (uncle = kapatid ng kanyang tatay from father side) = pinsan na lalaki
** dote = ari-arian o salapi na karaniwang binibigay ng nobyo sa babae na kanyang pakakasalan (dowry; banghad; bigay-kaya; pasalap; sablang; ubad; at sab-ong).


ترجمه أبو حيان

Friday, September 18, 2015

p12


49. Ang isang muslim ay maaaring lumabas sa kanyang pagka-muslim. At siya ay makakalabas lamang kung siya ay nakagawa ng alinman sa mga bagay na nagpapawalang-bisa ng Islam* tulad halimbawa na kanyang pasinungalingan ang Quran o ang Sunnah ng Propeta صلى الله عليه وسلم o magtayo/magsagawa ng Salah para sa iba bukod sa Allah تعالى o mag-alay para sa iba maliban sa Kanya. At kung sakali man na kanyang ginawa** ang isa sa mga nabanggit ay nararapat na siyang ilabas sa relihiyong Islam. At kung hindi niya naman nagawa ang alinman sa mga ito ay hindi siya lálabas sa pagka-muslim.

50. At lahat ng mga napapaloob sa Quran at Sunnah hinggil sa mga bagay na hindi kayang abutin ng ating mga isipán ay hindi maaaring pasinungalingan bagama't ito ay paniwalaan na may kumpletong pagsuko sa lahat ng ipinarating ng Allah تعالى at ng Kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم at iwasan ang masusing pagsusuri nito at hindi dapat na bigyan-kahulugan ang mga ito sa abot lamang ng ating mga isipán dahil ang paniniwalà sa mga bagay na ito ay obligado at kabilang sa pananampalataya. At sinuman na kanyang bigyan-kahulugan ang mga ito sa naabot lamang ng kanyang isipan at pasinungalingan ang anumang di-maabot ng isipan ay isang Jahmiy/alagad ni Jahm bin Safwan*** o Jahmian. Katulad ng mga nabanggit sa mga Hadith at napapaloob dito ang mga sumusunod:
1. Ang mga púso ng mga nilalang ay nasa dalawang daliri (mula sa mga daliri) ng Allah تعالى, kanya itong binabaliktad ayon sa kanyang ninanais.
2. Ang Allah تعالى ay bumababa sa kalangitan sa tuwing sumasapit ang ikatlong bahagi ng gabi.
3. Ang Allah تعالى ay bumababa sa tuwing sumasapit ang araw ng Arafah ng Hajj.
4. Ang Allah تعالى ay bababa sa araw ng paghuhukom.
5. Ang Allah تعالى ay kanyang ilalagay ang kanyang paa sa Impiyerno upang tumigil sa kanyang kahilingang karagdagan.
6. Ang Allah تعالى ay kanyang nilikha si Adan sa kanyang anyo (anyo ng Allah تعالى ).
7.Ang Propeta صلى الله عليه وسلم ay kanyang nakita sa kanyang panaginip ang Allah تعالى sa kanyang pinakamainam na anyo.
At iba pang mga Ayat/talata ng Quran at Hadith na may kaukulan sa mga katangian ng Allah تعالى na umaangkop sa kanyang kataas-taasan.

=================
Talababaan:
*para sa karagdagang kaalaman, mangyaring basahin ang maikling artikulong ito na napapaloob  sa salitang  "nagpapawalang-bisa ng Islam"
**puwera na lang kung ito ay kanyang ginawa bilang panggagaya sa kanyang kinikilalang huwaran at wala siyang kamalay-malay na ang kanyang huwaran ay isa palang huwad o kaya ay kanyang ginawa pagkatapos ng kanyang masikap na pag-aaral at ito ang kinahantungan ng kanyang pagsisikap.
***Si Jahm bin Safwan ang kauna-unahang nagsabi na ang Quran ay isang bagay na nilikha ng Allah تعالى at pinasinungalingan ang mga pangalan ng Allah تـعالى at kanyang mga katangian. At ang mga tumatahak sa kanyang yapak ay maituturing na Jahmian.   

p11


46. Ang Ummah* ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay napapabilang sa kanila ang mga mu'min** at mga muslim** kung saan pareho ang pakikitungo sa kanila nang walang pagkakaiba maging sa kanilang kayamanan sa paghahati-hati at pagmamana nito, sa kanilang mga kinakatay (i.e. karne) at pagtayo ng panalangin sa kaniláng pagpanaw (i.e. bangkay).
47. At hindi maaaring sumaksi kaninuman na kanyang natamasa ang kumpletong pananampalataya hanggang sa kanyang magampanan ang kabuuang batas islamiko***. At kung sakaling magkulang sa mga batas islamiko bilang kabuuan ay hindi niya nakamit ang kumpletong pananampalataya hanggang sa siya ay magbalik-loob mula sa kanyang pagkukulang. Nangangahulugan lamang na ang mga bagay na ito ay tanging ang Allah تعالى lamang ang nakababatid. Ang atin lamang ay kung ano ang nakikita natin sa kanyang panlabas na gáwain.
48. Ang pagtatayo ng panalangin (i.e. Salatul Janazah) sa sinumang pumanaw (i.e. bangkay/labi) mula sa mga muslim ay sunnah. Maging siya man ay nahatulan ng Rajm/stone-to-death, kilalang mangangalunya, nagpatiwakal, kilalang manginginom ng alak, o ano pa man ~ang mahalaga, siya ay maituturing na isang muslim~ ang naturang Salah sa kanyang labì ay sunnah.
===========
Talababaan:
*komunidad ng mga mamamayan na may iisang relihiyon, lahi, kasaysayan, wika, kultura at pamahalaan.
** ang dalawang terminong ito ay magkasing-kahulugan kapag nagkahiwalay ng banggit at nagkakaiba kapag sabay na binanggit sa iisang parirala o pangungusap, kung saan ang mu'min ay mas mataas na antas kaysa sa muslim. At maaaring matatawag na isang muslim ang sinumang may karampot na pananampalataya sa Allah تعالى.
***saklaw nito ang paniniwala at pananampalataya.


ترجمه أبو حيان

p10



36. At kabilang sa pananampalataya ng Ahlus Sunnah wal Jama'a: ang pagsunod sa mga utos ng imam/pinuno ay hindi sa lahat ng bagay. Nararapat(Wajib) na sundin ang kanyang mga utos sa kabutihan lamang at hindi sa kasamaan.
37. At sa sinumang mananampalataya ay hindi maaari na sabihin o sumaksi na ang isang gumagawa ng kabutihan ay makakapasok ng paraiso at ang isang gumagawa ng masama ay makakapasok ng impiyerno dahil lingid sa ating kaalaman kung ano ang huling gawain ang nakatakda sa kanya. Ito ba'y mabuting gawa o masama. Ngunit tayo ay nangangamba sa mga gumagawa ng kasalanan at umaasa sa sinumang gumagawa ng kabutihan na mapasakanila ang lugod at awa ng Allah تعالى. Gayunpaman bilang kabuuan, ang mga mananampalataya ay walang pag-aalinlangan na sila ay makakapasok ng paraiso at ang mga di-mananampalataya ay makakapasok ng impiyerno.
38. At lahat ng kasalanan ay may pagkakataon upang magbalik-loob at magsisi.
39. At ang Rajm/stone-to-death ( ang pagbato sa isang may-asawa na nagkasala ng pangangalunya / pakikipagtalik sa hindi niya asawa hanggang siya ay mamatay), ang batas/hukom nito ay patuloy at mananatiling isinasabatas.
40. At ang pagpupunas ng medyas sa ritwal na paghuhugas/ablution ay sunnah.
41. Ang pagbawas ng bilang ng rakaat ng Salah/sambahayang na Fardu (i.e. Dhuhur, Asar at Isha ~ ang mga ito ay magiging dalawang rakaat na lang) sa panahon ng paglalakbay ay sunnah.
42. At hinggil sa pag-aayuno sa panahon ng paglalakbay, ang sinuman na nagnanais na mag-ayuno ay maaaring mag-ayuno at sa hindi nais mag-ayuno ay maaaring hindi mag-ayuno.
43. At maaaring magsalah/magsamba sa pamamagitan lamang ng pajamas kung ito ay saklaw niyang natatakpan ang Awrah/pribadong bahagi ng katawan. ~ito ay namumukod-tangi sa mga kalalakihan lamang.
44. At ang Nifaq/ pagkukunwaring banal (hypocrisy) ay ang pananampalataya sa panlabas na gáwain at pananalita ngunit ito ay taliwas sa sinasabi ng puso at damdamin.
45. At ang mundong ito ay lugar ng pananampalataya at pagsasagawa ng mga mabubuting gawain; sapagkat sa oras ng pagkagunaw  ng daigdig, hindi na mapapakinabangan ng  sinuman ang pagtanggap  niya sa katotohanan at mabubuting  gawa, maging  siya man ay mananampalataya sa mga oras na iyon.

Wednesday, September 16, 2015

p09



29. At kabilang sa pananampalataya ng Ahlus Sunna wal Jama-a ang pagsunod sa mga pinuno ng mga muslim sa mga bagay na kalugud-lugod sa Allah تعالى. Ang sinumang naatasan na mamuno at napagkasunduan ito ng piling mga tao ( mga ulama at mga may katungkulan atbp) ay matatawag na Amirul mu'minin/pangkalahatang pinuno ng mga muslim.
30. Hindi maaari/haram na lumabas sa grupo ng mga muslim at sumuway sa napagkasunduan nila at manatili ng isang gabi nang walang kinikilalang Imam/pinuno, maging mabuti man ang pinuno o masama.
31. Mananatili ang pangangasiwa/pamumuno sa Hajj at Jihad ng Imam/pangkalahatang pinuno at gayundin ang pangunguna n'ya sa Salatul Jumu-'a bilang imam. At isinasagawa pagkatapos ng Salatul Jumu'a ang anim na rakaat bilang Ratiba /sunnah ng Salatul Jumu'a at magtataslim(التسليم) sa bawat dalawang rakaat* ~iyan ay batay sa sinabi ni Imam Ahmad bin Hambal رحمه الله.
32. Ang Khilafah/pangkalahatang pamumuno ay nararapat na pangunahan ng magmumula sa tribo ng Quraish hanggang sa pagbaba ni Propeta Isa/Hesus عليه السلام.
33. Ang sinuman na sumuway at lumabas sa itinanghal na Imam/pinuno ay isang Khariji/ligaw (bansag sa mga lumalabas sa pamumuno ng Imam at mapapabilang sa isang ligaw na sekta ng Islam, ang mga Khariji) at kanyang nilabag ang katuruan ng Islam. At kung sìya ay magpapatuloy sa ganitong sitwasyon at namatay ay para rin siyang namatay sa kapanahunan ng kamangmangan.
34. At hindi maaari/haram na pinsalain ang isang pinuno upang patayin at gayundin ang pagsuway/paglabas sa kanyang pamumuno kahit pa ang pinunong itó ay isáng mandaraya hangga't itinatayo niya ang sambahayang. Iyan ang bilin ng Propeta صلى الله عليه وسلم kay Abu Dharr Algifary رضي الله عنه : "Magtimpi ka at magtiis kahit pamumunuan kayo ng isang maitim at nakakasuklam na pagmumukha." At gayundin ang sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم sa mga Ansar :" Tiyak na makakatagpo kayo ng pangungurakot kapag ako ay pumanaw na, magtiis kayo at magtimpi hanggang sa muling pagkikita natin sa aking Hawdh (balikan ang p6 para sa kahulugan nito)." At walang katibayan, mapa-Qur-an man o hadith na naghihikayat sa pakikipagtayan laban sa Imam/pinuno dahil sa mga pinsalang idudulot nito, kapinsalaan dito sa mundo at maging sa kabilang-buhay.
35. Maaari/Halal ang pakikipagpatayan laban sa mga Khariji (yaong mga lumabas at sumuway sa pamumuno ng Imam at patuloy na naghihikayat ng iba dahil hindi nila kinilala bilang pinuno ang Imam ). Maaari silang patayin sa utos ng Imam kapag inaabuso na nila ang mga puri't dignidad, buhay at kayamanan ng mga muslim. Ngunit kung hindi naman sila nakakapinsala sa mga muslim ay hindi sila maaaring patayin ng Imam at mananatili silang ligaw sa tamang landas. At hindi rin maaaring kitlin ang isang sugatan mula sa kanila, gayundin ang mga bihag mula sa kanila at maging ang umatras sa labanan at tumakas ay hindi puwedeng sundan upang patayin. At hindi magiging Ganima/ mga nasamsam sa digmaan ( booty of warang kanilang kayamanan pagkatapos ng labanan.

=================
Talababaan:
* ang school of thought/ ideyang ito ng may-akda ay Hambaly ( mula sa mga pangangaral at ideyolohiya ni Imam Ahmad bin Hambal ) kaya nabanggit nya ang bagay na ito dahil sa kaukulan nito sa Salatul Jumu'a , ngunit ang mas kilala sa ideya ni Imam Ahmad رحمه الله hinggil dito ay apat na rakaat lamang na magsasalam sa bawat dalawang rakaat.

Tuesday, September 15, 2015

p08


28. At ang pinakamainam na nilalang at mas karapat-dapat na mamuno bilang Khalifa/pangkalahatang pinuno pagkatapos ng pagpanaw ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay si Abu Bakr at sinundan ni Umar bin Khattab at sinundan naman ni Uthman katulad ng iniulat ni Ibnu Umar na kanyang sinabi: "Sa kapanahunan ng Propeta صلى الله عليه وسلم sinasabi namin na ang pinakamainam na tao pagkatapos ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay si Abu Bakr at pagkatapos ay si Umar at pagkatapos ay si Uthman at ito ay naririnig ng Propeta صلى الله عليه وسلم at ito ay sinang-ayun naman niya at hindi niya itinanggi"
       At ang maiinam sa mga Sahaba pagkatapos nina Abu Bakr ay sina : Ali, Talha, Zubair, Sa'ad bin Abi Waqqas, Sa-id bin Zayd, Abdur Rahman bin Awf, at Abu Ubayda bin 'A-mir bin Aljarrah رضي الله عنهم . At lahat sila ay may karapatan na maging pinuno/khalifa. At ang natitirang mga Sahabah ay ang maiinam pagkatapos nila. Sila(Sahabah) ang unang henerasyon sa tatlong maiinam na henerasyon kung saan ito ay binibilangan ng mga Muhajirun (bansag sa kanilang mga nagsilikas mula Makkah tungong Madinah at iniwan ang kanilang mga tahanan at kayamanan para sa ikalulugod ng Allah تعالى) at Ansar (bansag sa kanilang mga tumúlong at sumuporta kay Propeta صلى الله عليه وسلم at kumalinga sa kanya at sa mga Muhajirun).
        At sumunod sa kanilang pagiging mainam ay ang ibang mga Sahabah na kanilang nakasama ang Propeta صلى الله عليه وسلم sa napakaikling panahon.
        At kabilangang sa mga karapatan nila sa atin ang panalangin/pagsasabi ng "رضي الله عنهم"
o" Kalugdan nawa sila ng Allah تعالى" sa tuwing binabanggit sila at nababanggit. At ang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang kabutihan at pamamahagi nito. At pag-iingat sa kanilang mga puri at mga kamalian na naganap sa pagitan nila dahil sila ay tao at nilalang din na maaaring magkamali. At ang tanging babanggitin lamang sa kanila ay ang kanilang mga kabutihan dahil tayo inutusan ng Propeta صلى الله عليه وسلم na huwag siláng pagsabihan ng masama at huwag magbanggit ng masama hinggil sa kanila.
         Sinabi ni Sufyan bin Uyayna رحمه الله :"Ang sinuman na maglalakas-loob sa paninira sa mga Sahabah ay isang ligaw at alipin ng kanyang sarili."
         

Monday, September 14, 2015

p07


21. At kabilang sa pananampalataya ng Ahlus Sunnah wal Jama-a, ang paniniwala sa Sirat, isang tulay na madulas at mas manipis sa nipis ng hibla ng buhok at mas matalas/matalim sa talas/talim ng espada at mas mainit sa init ng baga ng apoy at ito ay naroroon sa ibabáw ng Impiyerno, sa pagitan ng impiyerno at paraiso, dudukutin nito ang sinumang ninais ng Allah تعالى at makakatawid nang ligtas ang sinumang kanyang ninais. At ang bawat mananamplataya ay magkakaroon ng liwanag. Ang  lakas o hina ng liwanag na ito ay bumabatay sa lakás at tatag ng kanyang pananampalataya o hina nito. 
22. At kabilang sa pananampalataya, bagkus kabilang sa mga haligi nito, ang paniniwala sa mga propeta at mga anghel.
23. At ang pananampalataya na ang paraiso ay totoo at ang impiyerno ay totoo at kabilang sa mga nilikha ng Allah تعالى. Ang paraiso ay nasa taas ng ika-pitong palapag ng langit at nasa
ibabaw/bandang itaas ng paraiso ay ang Arsh(العرش)/trono ng Allah سبحانه وتعالى. At ang impiyerno ay nasa ibaba ng ika-pitong palapag ng lupa**. At ang paraiso at impiyerno ay nilikha na at kasalukuyang mayroon na at hinding hindi na mawawala/magugunaw magpakailanman at mananatili ang mga ito kasabáy ng pananatili ng Allah تعالى nang walang hanggan. At alam ng Allah تعالى ang bilang ng mga makakapasok ng paraiso at kung sinu-sino sila at ang bilang ng mga makakapasok ng impiyerno at kung sinu-sino sila.
24. Ang paraisong ito ang pinanggalingan ni Adan/Adam عليه السلام at inilabas lamang siya mula rito nung siya ay nagkasala sa pagsuway sa utos ng Allah سبحانه وتعالى.
25. At ang paniniwala sa bulaang Kristo na kasalukuyang buhay at naroroon sa lugar na walang nakakaalam maliban sa Allah تعالى.
26. At ang paniniwala sa mulìng pagbaba ni Propeta Isa/Hesus عليه السلام upang tapusin at patayin ang bulaang Kristo at ipagpapatuloy ni Propeta Isa عليه السلام ang kanyang buhay na itinakda at mag-aasawa at magsasagawa ng sambahayang/dasal sa likod ni Imam Mahdi - mula sa angkan ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم - at hanggang sa siya ay mamamatay at siya ay ililibing ng mga muslim.
27. At ang paniniwala na ang tunay na pananampalataya ay binubuo ng salita at gawa, ng
Ikhlas/sinsiridad at pagsunod sa katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم. At ang pananampalatayang ito ay tumataas/nadaragdagan sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan ng Allah تعالى at bumababa/nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway sa Kanya. Tumataas hanggang sa taas na nanaisin ng Allah تعالى at bumababa hanggang sa tuluyang malusaw ang pananamplatayang ito at wala nang matira sa kanyang puso.

================
Talababaan:
** ang mga bagay na ito ay kabilang sa mga bagay na nararapat isuko at hindi na sinisiyasat at sinusuri pa. Sapagkat kung ang lakas at kakayahan ng ating katawan ay may limitasyon at hindi kayang buhatin ang bagay na singbigat ng bundok, gayundin ang kakayahan ng ating mga isipán na hindi kayang abutin ang anuman na lálampas sa kanyang limitasyon. Katulad na lamang "Kung bakit ang Fajr ay dalawang rakaat at ang dhuhur ay apat?" . At ang matinding halimbawa ay ang bagay na siyang pinakamalapit sa atin, bagkus ay nasa ating katawan, ang ating kaluluwa kung saan walang dalubhasa hanggang sa ngayon ang makapagsasabi sa tunay na anyo at katangian nitò ~at hindi kailanman nila kayang malaman ang tungkol sa bagay na ito dahil ito ay inako mismo ng Allah تعالى sa kanyang sarili at maging ang Propeta صلى الله عليه وسلم ay hindi pinahintulutan na malaman ito~.


Sunday, September 13, 2015

p06




16. At kabilang sa ating pananampalataya ang paniniwala na makikita ng mga mananamplataya ang Allah سبحانه وتعالى ng kanilang mga mata at hindi ng kanilang mga puso/isipan sa kabilang buhay nang walang harang at pagitan. At sa araw ng paghuhukom ay tatanungin ng Allah تعالى bilang hukom ang Kanyang alipin sa Kanyang sariling linggwahe/salita na nakasanayan nang walang namamagitan/translator sa kanilang dalawa.
17. At ang paniniwala sa timbangan sa araw ng paghuhukom kung saan dito ititimbang ang mga gawa mabuti man o masama. Ito ay may base/pundasyon at dalawang kamay.*
18. At ang paniniwala na may kaparusahan at kapanatagan sa loob ng libingan at may dalawang anghel na naitalaga rito na nagngangalang Munkar at Nakir.
19. At ang paniniwala sa Hawdh ng Propeta صلى الله عليه وسلم ( parang lawa ng tubig na may lawak na isang buwan kung lalakarin, ang tubig nito ay mas maputi sa puti ng gatas, mas mabango sa bangó ng musk, mas matamis sa tamís ng pulut-pukyutan, ang mga pitsel nito ay singdami ng mga bituin, at marami pang ibang mga katangian at hindi pa ito ang tamang lugar para sa paksang ito) at bawat propeta عليهم السلام ay may kanya-kanyang Hawdh at kabilang sa kanila si Propeta Salih عليه السلام.
20. At ang paniniwala sa Shafa-a/pamamagitan o pintakasi ng Propeta صلى الله عليه وسلم para sa mga mananampalataya na nagkasala sa araw ng paghuhukom at sa pagtawid nila sa Sirat ( tulay na madulas at mas manipis sa nipis ng hibla ng buhok at mas matalas/matalim sa talas/talim ng espada sa pagitan ng impiyerno at paraiso ) at mamamagitan na ilalabas silâ mula sa Impiyerno at bawat propeta ay may Shafa-a/pagkakataong mamagitan at gayundin ang mga nabansagang matatapat at mga martir sa landas ng Jihad at mga nabansagang mabubuting mananampalataya. Ang lahat ng ito ay nakasalalay sa kapahintulutan at kabaitan ng Allah تعالى. At ang kanilang paglabas mula sa Impiyerno ay makakamit pagkatapos nilang mangasunog at maging parang uling.**

==================
Talababaan:
*ang paglalarawan sa base ng timbangan at ng kamay nito:




**ang mga bagay dito sa mundo at sa kabilang-buhay ay nagkakatulad lamang sa mga pangalan at hindi sa tunay nitong anyo.

p05




13. Ang pakikipagtalakayan at diskusyon sa mga pangalan at katangian ng Allah سبحانه ay isang makabagong paraan at uri ng bid'a at pagkaligaw/kaligawan. Bagama't ang nararapat ay sang-ayunan ang nilalaman ng Qur- an at Sunnah hinggil sa mga pangalan at katangian ng Allah تعالى ayon sa pagkakaintindi ng mga Sahabah رضي الله عنهم at ng mga Salaf ( kauna-unahang matatapat na henerasyon na sumunod sa kanila).
       At ang Allah سبحانه وتعالى ay nag-iisa, walang katulad at walang maihahambing sa kanya mula sa kanyang mga nilikha, walang katulad maging sa kanyang sarili, sa kanyang mga pangalan, sa kanyang mga katangian at sa kanyang mga gawain; Siya si Sami'(سميع) ­ ang ganap na nakakarinig ng lahat ng bagay, lantad man o tago, at Siya si Basir (بصير)­ ang ganap na nakakakita at nakakaalam ng lahat ng bagay magíng lantad man o hindi.
14.  At ang Allah سبحانه وتعالى ay Siya si Awwal (أول ) ang una na walang simula at Siya si A-khir (آخر ) ang huli na walang pagtatapos/katapusan, nababatid niya ang lahat ng lantad at lihim na bagay gayung siya ay nasa taas ng kanyang trono, at saklaw ng kanyang kaalaman ang lahat ng lugar.
15.  Sa mga pangalan, katangian at gawain na nabanggit ay walang Siyang katulad mula sa kanyang nilikha na maaaring ihambing sa Kanyang mga pangalan at katangian at gawain dahil Siya ay nag-iisa at walang katulad. Kung kaya ay hinding hindi maaari na sasagi sa isipan" kung paano ang kanyang pandinig, at kung bakit ganito at ganun? " at ang mga ganitong katanungan ay nangyayari sa táong may pag-aalinlangan sa kakayahan ng dakilang lumikhâ sa kanya.
        Ang banal na Qur-an ay salita ng Allah تعالى at Kanyang pahayag kay Propeta صلى الله عليه وسلم at ang kanyang liwanag at gabay para sa sangkatauhan at hindi ito nilikha dahil ito ay mula mismo sa Kanya bilang isa sa Kanyang mga katangian. At anumang katangian ng Allah تعالى ay hindi nilikha dahil ito ay nangangahulugan na nilkha nya ang Kanyang sarili at hinding hindi ito pupwedeng mangyari. Ito ang tugma sa sinabi at paniniwala nina Imam Malik bin Anas, Ahmad bin Hambal at iba pang mga nauunang eskolar at sumunod sa kanila. At ang pakikipagbangayan/talakayan sa bagay na ito ay kufr/kawalan ng pananampalataya.

p04


10. At hindi makukumpleto ang pananampalataya ng isang muslim hanggang sa siya ay sumunod sa yapak ng mga Sahabah رضي الله عنهم, maniwala sa katuruan ng Islam nang walang pagdududa at pag-aalinlangan, at ganap na tumatalima at sumusuko sa nilalaman ng Qur-an at Sunnah. Sinuman ang nag-aakala at naniniwala na mayroon pang bagay na may kaukulan sa Islam na hindi naipaabot sa atin ng mga Sahabah رضي الله عنهم ay tunay na kanyang binigyan ng paratang ang mga Sahabah رضي الله عنهم na sila ay nagtaksil sa kanilang mga tungkulin na panrelihiyon - at ito ay napakalaking paratang laban sa kanila -, at tunay na siya ay isang innovator/mubtadi' na ligaw at manliligaw na gumawa ng isang bagay na hindi ayon sa Islam o isang bid'a.
11. Ang pananampalataya ay hindi maaaring gamitan ng Qiyas*  o paghahalintulad o sariling pagsisikap/tiyaga o pansariling kagustuhan. Bagkus ang pananampalataya ay siyang kumpletong pagtalima at pagtanggap sa katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم, ito man ay patungkol sa mga pangalan at katangian ng Allah تـعالى o patungkol sa makarelihiyong bagay náng walang masuring pagsisiyasat kung papaano at bakit ganito, bakit ganyan.**
12. At ang pakikipagtalakayan o diskusyon sa mga bagay na nauukol sa pananampalataya ay isang uri ng bid'a o pagkaligaw/kaligawan na magdudulot lamang ng pag-aalinlangan sa pananampalataya. Kahit pa na naiparating ang katotohanan ay maituturing pa rin siyang mali dahil sa kanyang maling pamamaraan, taliwas sa pamamaraan ng mga Sahabah رضي الله عنهم.


=================
Talababaan:
* ( http://en.m.wikipedia.org/wiki/Qiyas)
** tulad ng pagsisiyasat kung bakit 2 rakaat ang Fajr at 4 rakaat ang Dhuhur

#transbrbhry296

Saturday, September 12, 2015

p03



8. Kaya pag-aralan nang mabuti anuman ang nakikita o naririnig mo sa mga muslim na may kaukulan sa relihiyong Islam at huwag tangkilikin agad hanggang sa malaman kung ito ba ay tugma sa sinabi ng mga Sahabah رضي الله عنه o isa man lang sa kanila at sa sinabi ng mga skolar o kaya ay magtanong sa mga eskolar ukol dito. At kung sakaling mapag-alaman na ito ay tumutugma sa gawain at kasabihan ng mga Sahabah o kilalang mga eskolar ay saka mo ito panghawakan at tangkilikin at huwag mo nang bitiwan kapalit ng mga sinasabi ng mga huling henerasyon. Sapagkat kung iyong pipiliin ang mga ideya ng mga nahuling henerasyon ay malamang na baka ito ang ikápapahamak mo sa Araw ng paghuhukom at magsasanhi ng pagpasok mo ng Impiyerno.
9. Ang paglabas at paglihis mula sa yapak ng mga Sahabah رضي الله عنهم ay may dalawang uri:
                           I- Paglihis sa kanilang yapak dahil sa mabuting hangarin at kanyang pagsisikap; kung kaya ay huwag tularan ang kanyang pagkakamali dahil siya  ay naligaw at nagkamali sa oras na iyon nang lubusan.
                          II- Paglihis sa kanilang yapak nang sadya at may sapat na kaalaman na siya ay nasa kamalian dahil sa hangarin na iligaw ang mga tao; tunay na siya ay ligaw at manliligaw at isang alagad ni Satanás. At nararapat sa sinumang nakakaalam sa kanyang kalagayan na magbigay-babala sa mga muslim at ipaalam sa kanila ang kanyang totoong sitwasyon upang hindi sila mapabilang sa kanyang bid'a o masamang gawain at upang hindi mapinsala at maminsala.

#transbarbhry296

Friday, September 11, 2015

p02


5. Tunay na ang relihiyong Islam ay nagmula sa Allah تعالى at hindi nagmula sa kathang ísip ninuman. Kaya naman ito ay nakabase/nakabatay lamang sa salita ng Allah تعالى (Qur-an) at sa katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم (Sunnah) at hindi ito maaaring panghimasukan gamit ang ating isipan at pansariling kagustuhan.Sapagkat ito ang maglalabas sayo mula sa relihiyong Islam. Dahil tunay na ipinaliwang na sa atin ng ating Propeta صلى الله عليه وسلم ang pananamplatayang Islam at binigyan-linaw sa kanyang mga Sahabah/kasamahan رضي الله عنهم at sila yaong mga tunay na grupo, ang grupo ng katotohanan. At kung sinuman ang gumawa ng bagay na taliwas sa kanilang pamamaraan ay tunay na nagkasala, pagkakasalang maaaring maglalabas sa kanya mula sa relihiyong Islam.
6. At sa bawat paglitaw ng bid'a sa mga muslim ay siya ring pagkawala ng katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم mula sa kanila dahil hindi kailanman maaaring magsama ang sunnah at bid'a. Kaya nararapat na iwan ang lahat ng mga ipinagbabawal at kabilang na rito ang bid'a. Sapagkat ang lahat ng makabagong panrelihiyon ay bid'a, at lahat ng bid'a ay kaligawan/pagkaligaw, at lahat ng pagkaligaw ay magsasanhi ng pagpasok sa Impiyerno.
7. Huwag maging pabaya hinggil sa bid'a at huwag itong maliitin gaano man ito kaliit o kasimple dahil hindi magtatagal, ito rin ay lalala. Sapagkat ang lahat ng mga bid-'a ay nagsimula sa simple at máliit na bagay na tila malapit sa katotohanan/makatotohanan, kung saan tinangkilik ng karamihan, hanggáng sa ito ay hindi na kayang iwan at lumala hanggang sa naging parte ng pagsamba at tuluyan nang lumihis sa tamang landas at kusa nang lumabas ng relihiyong Islam.

#transbrbhry296


Thursday, September 10, 2015

p01









Sa lahat ng mga pangalan ng Allah, ni Rahman ang maawain, ni Rahim ang mahabagin.


Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay natatangi sa Allah تعالى, pagpupuri at pasasalamat na naaangkop sa kanyang kataas-taasan, na siyang nagbigay-gabay sa atin tungo sa Islam bilang napakalaking biyaya sa atin at ginawa tayong pinakamainam na nasyon. Ako ay humihingi sa Allah تعالى ng tamang gabay tungo sa kanyang kaluguran at humuhingi ng pangangalaga at proteksyon mula sa kanyang galit at pagkamuhi.
1. Inyong pakaalamin na ang Islam ay siyang pananampalataya at ang pananampalataya ay siya rin ang Islam. At hindi ito maaaring magkahiwalay.
2. At kabilang sa pananampalataya ang pagsapi sa tamang grupo. At sinuman ang tumangging sumapi sa tamang grupong ito o kaya nama'y tumiwalag ay tunay na kanyang isinaalang-alang ang kanyang kaligtasan at napabilang na sa mga ligaw at mga manliligaw.
3. At ang basehan sa tamang grupong ito ay silang mga Sahabah/kasamahan ng Propeta صلى الله عليه وسلم ورضي عنهم أجمعين. Sila ang tamang grupo, ang "Ahlus Sunnah wal Jama-a". Sinuman ang humiwalay sa kanila ay tunay na naligaw at napabilang na sa mga Ahlul-bid'a (mga grupo na gumagawa ng mga makabagong panrelihiyon). At lahat ng bid'a ay pagkaligaw/kaligawan. At lahat ng pagkaligáw ay magdudulot sa kanya ng pagpasok sa Impiyerno.
4. At sinabi ni Umar bin Khattab رضي الله عنه :" Wala nang dahilan para sa sinuman na kanyang tinahak ang kaligawan/pagkaligaw sa pag-aakala na ito ay tamang landas at gayundin sa sinuman na kanyang iwan ang tamang landas sa pag-aakala na ito ay kaligawan/pagkaligaw sapagkat nabigyan-linaw na ang lahat ng bagay at naiparating na ang lahat ng katibayan. Kung kaya ay wala nang puwang para sa pagdadahilan. "
At sa kadahilanan na ang tunay na pananampalataya at ang tamang grupo ay ipinaliwanag ang lahat ng maka-relihiyong bagay at naging malinaw na rin sa lahat ng mga muslim. Kaya nararapat sa kanila ang pagtalima at pagsunod sa mga ito.


#transbrbhry296