100. Sinabi ng mga pantas, kabilang sa kanila si Imam Ahmad bin Hambal: "Ang isang Jahmian ay siyang hindi muslim at siya ang nararapat na alisan ng karapatang pang-muslim, hindi siya kabilang sa mga muslim, sentensiyado/mahahatulan ng kamatayan,* hindi magmamana at hindi magpapamana - dahil sinasabi ni
Jahm na:" Walang
Salatul Jumu'ah/Friday mass and prayer at walang
Salatul Jama-'ah/Congregational prayers. "," Walang
Eidul Fitr at
Eidul Adha at walang
Zakat/kawanggawa sa Islam. " at dahil sa kanilang pinaniniwalaan na sinuman ang tumanggi na "ang
Qur-an ay likha/nilikha" ay kabilang sa mga di-mananampalataya. At pinaniniwalaan nilang maaaring kitlin ang buhay ng sinumang sumasalungat sa kanila.**Samantalang sila ang sumasalungat sa paniniwala ng mga nauuna sa kanila — silang mga Sahaba at mga sumunod sa kanila. At ninais din nilang sirain ang mga masjid at pinahina nila ang Islam at inalis nila ang
Jihad sa Islam at kanila pang pinalala ang pagkakahiwalay ng mga muslim. At kanilang sinasalungat ang
Qur-an at
Sunnah at pinanghahawakan lamang ang mga lumang batas at mga katibayang di-makapag-iisa. At kanilang ginulo ang mga isipan ng mga muslim at ang kanilang pananampalataya. At kanilang pinanghimasukan ang mga bagay na hindi nararapat panghimasúkan, kanilang pinaniniwalaan na walang kaparusahan sa loob ng libingan, walang
Hawdh/lawa*** ang Propeta صلى الله عليه وسلم at wala rin siyang pamimintakasi/
Shafa-'a, at ang paraiso at impiyerno ay hindi pa nalikha magpasahanggang ngayon. At marami rin silang pinasinungalingan sa mga Hadith ng Propeta صلى الله عليه وسلم at marami rin silang kinitil na mga buhay.
Kung kaya sinabi ng mga paham na iskolar na ang isang Jahmian ay isang
Kafir/di-mananampalataya dahil sinuman ang pinasisinungalingan ang isang talata lamang ng
Qur-an at tunay na kanyang pinasisinungalingan ang buong
Qur-an. At gayundin ang siyang pinasisinungalingan ang isang Hadith ay kanyang pinasisinungalingan ang lahat ng mga Hadith. Siya ay isang
Kafir/di-mananampalataya sa Allah سبحانه وتعالى.
Sa kanilang panahon, sila ang nanaig sa tulong ng pinunong si Abdullah Alma'-mun at ng sumunod pang mga pinuno kung kaya'y dinaan nilá sa dahas ang sinumang tumutol sa kanila. Dito nagsimulang mawala ang liwanag at katuruan ng
Ahlus Sunnah wal Jama-a' at halos wala nang natira dahil sa talamak na katuruan ni
Jahm bin Safwan at sa dami ng mga nagpapahayag nito. Hanggang ang mga katuruang ito ang siyang itinuturo nila sa kanilang mga paaralan at ang kanilang inilalathala sa kanilang mga aklat at kanilang napasang-ayon ang karamihan at ang iba naman ay nasilaw sa ginto't pilak. - napakatinding pagsubok at sakuna na halos walang makakaligtas mula rito maliban sa siyang nasa pangangalaga ng Allah تعالى.
Ang pinakasimpleng mangyayari sa pakikiupo at pakikitungo sa kanila ay ang pagdududa sa pananampalatayang Islam o kaya nama'y sasang-ayon sa kanila
, walang kamalay-malay kung siya ba'y nasa katotohanan o nasa kamalian.
Nagpatuloy ang pinsalang ito sa mamamayang muslim hanggang sa panahon ni
Jaafar Almutawakkil at muling sumikat ang liwanag ng
Ahlus Sunnah wal Jama-a' sa kabila ng kanilang kakaunting bilang at dami ng mga nasa kamalian at kaligawan magpasahanggang ngayon.
At mananatili ang kanilang bakas, katuruan at pagkaligáw hanggang ngayon, mayroon sa kanila'y isinasampalataya ang mga ito, nananawagan tungo sa mga katuruang ito, nang walang anumang sagabal na humaharang sa kanila at walang anumang pumipigil sa kanilang pinagsasasabi.
================
Talababaan:
* ito ay maisasabatas lamang sa pamahalaang islamiko.
** sa pamumuno ni
Abdullah Alma'-mun, marami silang kinitil na mga pantas at mga muslim na sumalungat sa kanila at sila'y pinarurusahan hanggang sa sila ay sumang-ayon. At kanilang pinilit ang mga tao na sumunod sa kanilang kagustuhan.
*** balikan ang p6 #19
#transbrbhry296