Wednesday, October 7, 2015

p25

98.  At iyong pakaalamin na sinuman ang magwika ng "Ang aking pagbigkas ng Qur-an ay likha o nilikha." ay tunay na nagtaglay ng Bid'a/makabagong panrelihyon. At sinuman ang tumahimik sa bagay na iyan sa kanyang pag-aalinlángan kung ito ba'y likha o hindi ay tunay na nagtaglay ng prinsipyo ni Jahm bin Safwan at siya ay matatawag nang Jahmian.* Ito ang sinabi ni Imam Ahmad bin Hambal رحمه الله.

     At sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم : " Sinuman ang hahaba pa ang kanyang buhay pagkalipas ng aking pagpánaw ay tiyak na makakatagpo ng pagkarami-raming di-pagkakasundo at pagkakawatak-watak, kung kaya'y marapat na iwasan ang mga makabagong panrelihyong bagay sapagkat ito ay kaligawan, ngunit inyong panghawakan nang mahigpit ang aking Sunnah/pamamaraan at pamamaraan ng aking mga kalipa."


===================

Talababaan:

* ang tamang simulain sa bagay na iyan ay nasa masusing pagsusuri:

1- kung ang nais niya sa kanyang pagbigkas ang bagay na kanyang binibigkas, - ito ay hindi likha sapagkat ang kanyang binigkas ay ang Qur-an,at ito ay isa sa mga katangian ng Allah تعالى kung kaya't hindi siya maaaring maging likha/nilikha.

2- at kung ang nais niya sa kanyang pagbigkas ang paraan/kilos ng kanyang pagsasalita, -ito ay likha dahil ito ay kanyang gawa/kilos. At ang mga gawain at kilos ng mga nilalang ay likha at nilikha ng Allah تعالى.


ترجمه أبو حيان

Tuesday, October 6, 2015

p24

97.  At iyong pakaalamin - kaawaan ka nawa ng Allah تعالى - na ang mga paham at maalam na iskolar ay patuloy na pinagtatanggol ang Ahlus Sunnah wal Jamá-'a laban sa mga pinagsasabi ng mga Jahmian* hanggang sa pamamahala ng Dinastiyang Abasida. Dito nagsimula nang magsalita ang mga taong di-kilala at nagmamarunong patungkol sa mga bagay na panrelihyon, at marami silang pinasinungalingan at binatikos sa mga katuruan at kasabihan ng Propeta صلى الله عليه وسلم , at tinahak nila ang paghahalintulad gamit ang kanilang mga isipan, at inaalisan nila ng karapatang pangmuslim - alalaong baga, inilalabas nila sa relihiyong Islam - ang sinumang hindi sumasang-ayon sa kanila.**
     Magpaganunpaman, marami sa mga mangmang na walang kaalaman sa relihyong Islam ang naging sunud-sunuran at sumang-ayon sa kanilang katuruan hanggang sa sila ay naligaw at lumihis sa daan ng Islam náng hindi nila nalalaman, napinsala nila ang kanilang hantungan sa Kabilang-buhay, at nagkahiwa-hiwalay sila sa mga grupo sa kanilang mga pananaw sa maraming aspekto, at naganap ang maraming mga makabagong panrelihiyon.
      Maliban sa mga yaong pinanghawakan at tumahak sa gabay at katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at sa pamamaraan ng mga Sahabah رضي الله عنهم at hindi nila nagawang suwayin ang kanilang pamamaraan at naging kontento sa kanilang mga tagubilin dahil natitiyak nila na silang mga Sahabah ay nasa tama at katotohanan at nasa tamang pananampalataya. Kung kaya sila ay naging panatag mula sa mga pagsubok na nangyayari sa kanilang kapaligiran dahil alam nila na ang pananampalataya ay siyang ganap na pagsunod at pagtahak sa pamamaraan ng   Propeta     صلى الله عليه وسلم   at   kanyang   Sahabah رضي الله عنهم.

===================
Talababaan:
* isa sa kanilang mga pinagsasabi: ang Qur-an ay nilikha ng Allah تعالى.
** mismo ang apat na mga batikang imam (Abu Hanifah, Malik, Shafi-i, at Ahmad رحمهم الله) ay binatikos din nila nang walang pakundangan.


ترجمه أبو حيان

Monday, October 5, 2015

p23

95. At iyong pakaalamin na ang Mut-'a* at anumang paglalang - upang maisagawa lang ang isang bawal at hindi mapagtanto ng iba ang pagkabawal nito - ay haram at hindi na magbabago hanggang sa Araw ng paghuhukom.
96. At nararapat mong malaman ang kalamangan ng mga angkan ni Hashim dahil sa relasyon nila kay Propeta صلى الله عليه وسلم. Gayundin ang kalamangan ng mga angkan ng Quraysh at ng mga Arabo dahil sa kanila nagmula ang Propeta صلى الله عليه وسلم at lahat ng kanilang tribo. Alamin mo rin ang mga karapatan ng bawat isa sa kanila at ang nararapat na pakikitungo sa kanila bilang mga muslim. At gayundin ang mga naging alipin nila na kanilang pinalaya at binili. At ang karapatan ng bawat muslim ay nararapat na pahalagahan.
     At iyong alamin ang kabutihan at kalamangan ng mga Ansar** رضي الله عنهم at ang tagubilin ng Propeta صلى الله عليه وسلم sa kanila. *** At huwag kalimutan ang mga pamilya ng Propeta صلى الله عليه وسلم bagkus, alamin din ang kanilang mga kalamangan at kanilang mga pambihirang karanasan. At gayundin ang kalamangan ng mga naging kapit-bahay ng Propeta صلى الله عليه وسلم sa Madina.

====================
Talababaan:
* ang pag-aasawa sa limitado at bilang na panahon at tuluyang paghihiwalay sa napagkasunduan at itinakdang panahon -panandaliang pag-aasawa.
** sila yaong mga nagbuwis ng kanilang mga buhay at kayamanan kapalit ng kaligtasan ng Propeta صلى الله عليه وسلم at kumanlong sa kanila nung sila ay lumikas mula Makkah.
*** ito ang sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم : " Ang tanging magmamahal sa mga Ansar ay sila yaong tunay na mananampalataya. At ang mga nasusuklam sa kanila ay yaong mga Munafiq/ hipokrito o mapagbalatkayo."